Malapit na ang uwian pero napapansin ko talaga na hindi ako nililingon ni Ross. Hindi niya ako pinapansin. Galit ba siya dahil sinabihan ko siya na insensitive?
"Laila, be strong okay?" tugon ni Elise kay Laila na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita.
Tiningnan ko lang sila at si Ross ay nakatingin din sa kanila. Nagkatinginan kami ngunit siya ang umiwas ng tingin.
Hindi ako sanay na hindi kami nagpapansinan. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago siya kalabitin.
"Oh?" tanging sagot niya.
"Galit ka ba dahil tinawag kitang insensitive kanina?" diretso kong tanong sa kanya.
"Hindi. Galit ako kasi hindi mo ako maintindihan" sabi niya.
"Anong hindi ka maintindihan? E sinabihan mo si Laila na 'wag magpapakamatay, paano kapag naisipan niyang magpakamatay?" takang tanong ko sa kanya.
"Edi nasa sa kanya na 'yon. I was just warning her. You should be thankful to me" tugon niya. Nag-abot ang dalawa kong kilay. Hindi ko nga talaga siya maintindihan.
"Alam mo tama ka. Hindi nga kita maintindihan kaya sorry" sabi ko at bumalik na sa upuan ko.
She's both insensitive and rude!
"Class dismissed" tugon ng guro namin at tumayo naman kaming lahat upang umuwi na rin. Inayos ko na ang sarili ko dahil baka nag-aabang na sa labas si Rodney.
Nagpaalam naman siya sa nanay ko na kung pwede raw ihatid niya ako palagi sa amin since madadaanan niya rin naman ang bahay namin tsaka para raw makapag-usap pa kami at makilala ng mabuti ang isa't-isa. Pumayag naman si mama tsaka syempre ako rin.
Aalis na sana ako kaso biglang umiyak si Laila. Nilapitan siya ng buong classmate ko.
"Patay na si Ephraim" basa ni Ana sa cellphone ni Laila na nakatanggap ng mensahe. Umiyak lalo si Laila.
Pati ang iba ay umiyak na rin. Napaupo ako. Kung kailan malapit na kaming gumraduate, ngayon pa ba siya sumuko?
Napatingin kaming lahat kay Ross nang isarado niya ang pinto. Hindi pa siya nakontento at nilock pa ito.
"Bakit ka umiiyak? Diba ikaw naman ang naglason sa kanya? Ano 'yan, tears of joy?" nakataas-kilay niyang tanong sa kaklase namin.
Mas lalong umiyak si Laila. Nakakapagtaka. Bakit alam ni Ross na si Laila ang lumason kay Ephraim?
"Sakal na sakal na 'ko sa kanya. Sa tuwing nakikipag-break ako e palagi niyang sinasabi na magpapakamatay siya kaya hindi ko siya maiwan-iwan kahit na inaabuso niya na ang pagkababae ko. Kahit na pinipisikal niya na ako!" paliwanag ni Laila habang lumalayo sa amin at pumunta sa kanto ng silid.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin? Bakit kailangan mo pa siyang patayin? Kasalanan ang pumatay, Laila!" sigaw ni Ken kay Laila.
"E anong gagawin niyo? Ipapakulong niyo ako? 'wag na. Ilang minuto nalang at tatalab na ang lason na ininom ko kanina na siyang ginamit ko rin sa inilagay ko sa bibingka na kinain ni Ephraim."
Lumapit si Ken kay Laila at sinikmuraan ito. Napasigaw ang lahat sa nangyari.
"BAKIT MO SIYA SINUNTOK?!!!" natatarantang tanong ni Ana. Hindi siya sinagot ni Ken at binuhat niya si Laila na wala ng malay.
"Buksan niyo ang pinto, dadalhin natin siya sa clinic" sabi ni Ken at tumakbo papalabas ng classroom.
Kinuha ng mga kaklase ko ang mga bag nila at sumunod naman kami kay Ken.
"Mara!" napalingon ako sa tumawag. Si Rodney.
"Wait lang! Balikan kita promise!" sabi ko at nagpatuloy na sa pagtakbo para sumunod sa mga kaklase ko.
........
Naihatid na si Laila sa ospital at umuwi narin ang mga kaklase ko. Ako naman, babalik pa ako sa classroom kasi alam kong nakatambay pa si Rodney doon. Ang bag ko naman ay nasa classroom pa rin kaya kukunin ko muna ito.
Wala si Rodney sa lobby. Nasaan na 'yong mokong? Don't tell me, iniwan niya ako? Walang hiya!
Tumingin-tingin pa ako sa paligid pero walang Rodney na mahahagilap. Gago talaga iyong lalaki na 'yon.
Pumasok na ako sa classroom pero may kaklase pa akong naiwan sa loob.
Si Ross.
Nakatalikod siya sa akin at nakayuko. Minabuti kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang humahakbang papalapit sa kanya. Bakit pa siya nandito?
Nang makalapit na ako sa kanya ay nakita kong may binabasa siya. Alam ko kung ano 'to.
Hindi ako nagkakamali dahil ang hawak niya ay ang kwentong ginawa ko na nalagyan ng sumpa. Sinunog ko na ito matagal na pero bakit hawak-hawak niya 'to ngayon?
Bakit ito bumalik?
Dahil sa bigla ay natabig ko ang isang upuan at nagsanhi ito ng ingay kaya agad-agad niyang isinarado ang notebook at nilingon ako.
"Mara?!"
BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)