IMPOSIBLE

29 2 0
                                    

Wala si mama ngayon sa amin kasi nasa trabaho pa. Ako lang mag-isa dito sa bahay at —oh ang story ko nga pala.

"Gotcha" sabi ko nang makita ko na ang notebook kong nasa ilalim lang pala ng kama. Nahulog siguro ito nung binabasa ko ito.

Umupo ako sa kama at binuklat ito.

CHAPTER 1

Gamit ang mga mata ko ay sinimulan ko na itong basahin.

.........

Nagmamadali akong maglakad papunta sa classroom ko kasi late na talaga ako at —

"Sorry"

Napahawak ako sa balikat ko na nabangga ng lalaking pamilyar sa akin ang mukha.

"John, right? " tanong ko at tumango siya.

Kaibigan siya ng kaklase ko na si Ephraim at sa pagkakaalam ko ay he's a victim of bullying at hanggang ngayon, he still is.

Napatingin ako sa relo ko at agad na tumakbo dahil late na talaga ako! 

Lumingon pa ako saglit sa kanya at nanatili lang siyang nakatayo at nakatitig sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagkatakbo.

———

"Pasalamat ka at may meeting ang mga teachers kaya walang pumasok na guro kanina. "  Sabi ni Ross habang nananalamin.

"Oo nga eh. Buti na lang talaga." tugon ko at lumabas na sa cubicle pagkatapos umihi at naghugas na ng kamay.

"Tara na." Aya ko kay Ross na bumalik na sa classroom ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

"Teka lang. Naririnig mo ba 'yon? " Sabi niya at sumilip sa labas ng restroom.

Katabi ng restroom ng mga babae ay restroom naman ng mga lalaki at base sa ingay mula roon ay parang mayroong gulo na nangyayari.

"Bakla!"

"Isa kang salot!"

"Tama na"

"Naninilip ka sa amin no? Manyak kang bakla ka!"

Nagtinginan kami ni Ross at lumabas sa restroom. Hinila ako ni Ross at pumasok kami sa restroom ng boys.

"ANONG NANGYAYARI RITO? GUSTO NIYO BA NA ISUMBONG KO KAYONG LAHAT?" inis na sabi ni Ross at hinampas ng malakas ang pintuan.

Sabay nagtakbuhan ang mga gago at naiwang naka-upo sa gilid si John.

"O- okay ka lang ba?" tanong ni Ross kay John. Imbis na sagutin niya ito ay tiningnan niya lang kaming dalawa.

Tumayo si John, inayos ang sarili at lumabas ng banyo na para bang hindi kami nakikita. Nagtinginan kami ni Ross.

"Bakit kayo nandito?" Takang tanong ng isang lalaki na balak sanang umihi. Tumayo kami ni Ross at tumakbo papalabas.

--------

Lutang parin ako hanggang ngayon. Hindi ko lang kasi makalimutan ang mukha ni John. Nalulungkot ako para sa kanya.

Bakit ba kasi hindi nalang siya magsumbong?

*Uwian*

Nakaupo lang ako dito sa waiting shed habang naghihintay ng jeep na masasakyan.

"Alam mo ba, may mga tarantado raw na gumagala tuwing gabi na pumapatay. Ewan ko kung bakit pero iyan ang chika sa barangay." 

"Talaga ba? Nakakatakot naman. Sana makauwi na tayo, malapit na dumilim."

Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap sa tabi ko. Nakakatakot nga ang pinag-uusapan nila. Sana makauwi na rin ako.

"Uy." napalingon ako sa nagsalita.

John?

"Uy."  tanging sagot ko.

Walang umimik.

"Kanina ka pa rito? Gabi na" tanong niya. Tumango ako.

"Oo. Walang masyadong jeep eh. Natatakot na nga ako kasi ang dilim na tapos —" napahinto ako. Ang daldal ko masyado!

"Sige lang, ituloy mo. Makikinig ako" tawa niya. Napa-facepalm nalang ako.

"Kanina kasi may dalawang babaeng nag-uusap na may gumagala raw na masasamang tao na pumapatay. Ewan ko kung totoo pero nakakatakot pa rin" kwento ko. Tiningnan niya lang ako.

"Nga pala. Thank you kanina ha." sambit niya. Tiningnan ko siya. 

"Ah sa restroom? Wala iyon. Wala nga akong masyadong nagawa eh. Magpasalamat ka sa bespren ko." sabi ko.

"Oo nga eh. Thank you sa inyo" nakangiti niyang sabi.

Ang gwapo.

Nakakapagtaka na inaasar siyang bakla e ang gwapo niya.

"May jeep oh" sabi niya at tumayo kaming dalawa.

"Isa nalang kasya" sabi ng kondukor. Tiningnan ko si John.

"Sige una ka na. Ingat ka" tugon niya.

Wala akong nagawa kung hindi sumakay na at tiningnan siya habang umaandar ang jeep at tuluyan na nga siyang nawala sa pananaw ko.

————

"Good morning, ma" bati ko sa aking ina at tumabi sa kanya upang kumain ng umagahan.

" Anak susunduin na kita mamaya ha" Napatingin ako kay mama.

"Bakit po? Maaabala pa kayo. Mag-cocommute nalang ako. "

"Anak, delikado. Kanina sa balita, mayroon na namang binata na naging biktima ng mga gagong lalaki na pumapatay ng walang rason." kabado na kwento ni mama. Napakunot ako ng noo.

"Totoo pala yung chismis?"  tanong ko. Tumango lang si mama.

Sinubo ko ang hotdog at nagtanong.

"Sino raw ang biktima?" 

Nag-isip muna siya bago sumagot.

"Jerome ata? Ay hindi. John?  Oo! John. " tumpak niyang sagot sa sarili at napatingin ako sa kanya. 

JOHN?!

————

Dali-dali kong sinarado ang notebook ko. Ano bang napasok sa isip ko at ganito ang isinulat ko. Ang tanga-tanga ko talaga!

Pero pwede naman na coincidence lang. Hindi maaaring magkakatotoo ang mga isinulat ko rito. Hinding-hindi!




FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon