TRAAI (1) [MISTERY GUY]

2K 21 20
                                    

SHIN's Point Of View (POV)

Pauwi na ako galing sa bahay nila Krizza. inimbitahan niya ako dahil birthday ng Mama niya.

tumingin ako sa rilo ko sa pulsuhan at pasado mag-11 na pala ng gabi.

hindi ko napansin ang oras dahil nagkwentuhan pa kami.

mahamog na. at malamig ang simoy ng hangin.

inaya niya ako ni Krizza na doon na lamang magovernight at matulog sa bahay nila pero mas minabuti ko nang tumanggi.

hindi ako nakapagpaalam kay Mama at madami ding bisita sila Krizza at mga aayusing bagay para sa party ng Mama niya.

kaya't tumanggi ako para makaiwas sa abala.

pauwi sa bahay ay dadaan ako sa isang lumang warehouse.

mejo madilim pero may ilaw naman na sapat na para makita ko ang nilalakaran ko.

malayo sa bayan ang bahay namin kaya't nagtsatsaga akong maglakad.

masyado nang gabi para maitext at gisingin ko si Papa para magpasundo.

ilang araw nalang at magpapasukan na.

tinawagan ako ni Kai kanina at masayang ibinalita na magkaklase padin kami sa darating na school year.

si Kai ang pinakamalapit kong kaibigan sa school maliban kay Krizza.

sikat ang grupo ni Kai sa school na binubuo ng 1O myembro kasama siya bilang leader at ang pangalan ay EXO.

kababata ko na siya kaya't malapit na siya sakin, at napalapit nadin ako sa mga kaibigan niya.

bagay na ikinatuwa ko dahil mula nang pumasok ako sa school nila, wala akong masyadong naging kaclose.

si Krizza lang ang naglakas loob na lumapit at magpakilala ng personal, at ayon, naging magkaibigan kami.

kung may nakakakilala mang lubos sakin ngayon sa tingin ko ay si Kai iyon.

mailap kasi ako sa tao at hirap makipagsocialize.

tahimik lang ako.

ayokong nakikipag eye to eye dahil nahihiya ako.

kahit kanino.

wala akong ganung confidence humarap sa ibang taong di ko naman ganun kaclose o kakilala.

sa aking paglalakad ay napansin kong biglang nagpantay sindi ang mga ilaw na nakasabit sa taas ng warehouse.

napahawak ako ng mahigpit sa cellphone kong hawak sa kamay.

kinikilabutan ako at kinakabahan.

ang weird ng pakiramdam ko.

parang hindi lang ako ang tao sa warehouse nato.

dinoble ko ang bilis ng paglalakad ko.

nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko na ba si Papa para magpasundo nalang.

masyado nang gabi at hindi magandang umuwing mag-isa pag gabi.

kung bakit kasi naisipan ko pang umuwi ng mag-isa.

Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon