TRAAI (18.2) [PUNISHMENT]

66 3 0
                                    

********** 3RD Persons P.O.V **********

"Calling all the absents of 4rth Year Section A, Exo Members and Mr. Xi Luhan, please proceed to the Head Office now" ------ anunsyo ng DJ ng official radio station ng school. ~

tuwing may mga announcements at kailangan malaman ng mga studyante ay sa School radio station na pinapadaan, napapalibutan ang bawat sulok ng mga buildings ng mga speakers kung saan kunektado sa radio station ng school upang marinig ng bawat studyante sa school ang anumang anunsyo na ihahayag.

kakatapos lamang ng klase nila sa umaga nang ianunsyo iyon.

"pinapatawag na kayo" ----- saad ni Shin nang marinig ang announcement.

naglalakad na sila sa hallway papuntang School Canteen.

wala si Krizza kaya't si Shin lamang ang nagiisang babaeng kasama ng grupo.

"kumain muna tayo please?" ----- pakikiusap naman ni Xylan

"baka lalo tayong pagalitan pag nagtagal tayo na hindi pumunta" ---- dagdag naman ni Shane

"Shane is right, we better get going" ----- si Clifford na pakamot kamot ng ulo.

"si Luhan?" ---- tanong ni D.O

"naiwan sa room kanina eh" ----- sagot ni Xylan.

"ah, baka inaasikaso pa yung project nila ni Shin" ---- Chad

"ahmm.. ako nalang ang tatawag sakanya. mauna na kayong pumunta ng office"  ----- si Lay

"Lay, ako nalang. tutal hindi naman ako pinapatawag" ----- volunteer ni Shin.

"ok lang ba sayo?" ----- tanong ni Lay at hinawakan pa sa balikat si Shin ^__^

tango naman ang isinagot ni Shin.

"oh sige. mauna na kami" ----- si Chen.

tumango naman si Kai at nauna nang maglakad at sumunod naman ang iba.

hanggang ngayon ay matamlay padin ang pakikitungo ni Kai kay Shin.

ano man ang totoong dahilan ay wala nadin para kay Shin dahil sinasanay nadin ni Shin ang sarili niya na wala na talaga ang dating sila.

naunang pumasok ng Office si Clifford bilang may lakas ng loob dahil siya ang President ng School Organization sa High School~

sumunod naman ang ibang members.

Shin's P.O.V

madali akong nagtungo sa room ngunit wala doon si Luhan.

saan siya nagpunta?

sinubukan kong i-dial ang number niya na pinantawag kanina ngunit ring lang at hindi siya sumasagot.

naiwan sa lamesa namin ang project namin. buo na ito. at maganda ang kinalabasan.

ibinaba ko sa upuan ko ang project namin upang itabi ito at walang ganong makapansin at pakialaman.

san ko naman makikita iyon?

tinext ko si Chad upang sabihin sakanila na hindi ko nakita sa room si Luhan.

naglakad ako sa building at sinubukan siyang hanapin.

mula sa room, nagpunta akong library, Green Garden, Tennis Court, Swimming Pool at Soccer Feild pero wala siya.

bumalik ako sa room ngunit wala padin si Luhan.

napansin kong uulan na din. ~

mula sa bintana ay sumilip ako sa labas.

nagumpisang pumatak ng maliliit ang ulan.

Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon