TRAAI (13.3) [TRUSTING .....]

111 7 2
                                    

"alam mo hindi naman kasi natin kailangan ipagpaliban ngayon ang pag-gawa ng project, kaya ko naman oh" ---- saad ko habang naglalakad kami ni Luhan pauwi sa bahay

umikot ikot pa ako sakanya para ipakitang ok lang talaga ako.

nagiging komportable na ako kay Luhan.

patuloy naman siya sa paglalakad kaya't hinarang ko na ang sarili ko sa harap niya.

parang di kasi niya ako naririnig at diretso lang ang tingin niya.

at wala talaga siyang balak huminto sa paglalakad.

sinubukan niyang lagpasan at iwasan ako pero hinarangan ko padin siya.

napayuko ako habang hinarangan ko siya, di ko kasi mapigilang mahiya pag nagtatama mata namin, at isa pa......

naiilang ako pag nakatitig siya sakin.

ok naman talaga ako eeh.

ayoko lang talagang masayang ang araw nato dahil lang sa nangyari kanina.

besides, kundi siguro dahil sa kaartihan ko kanina, baka patapos na namin ang project namin ngayon.

pero hindi naman talaga kaartihan yung nangyari kanina.

totoo yun.

at hindi ko din alam kung bakit ako nagkaganon.

naramdaman kong hinawakan ako ni Luhan sa magkabilang balikat ko.

"look, ayos lang naman na ako nalang ang gumawa, important is maibalik kita sainyo ng buo" ----- seryosong saad niya.

hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakayuko ako, pero nararamdaman kong malapit lang siya sakin, dahil nakahawak siya sa balikat ko.

at ramdam kong seryoso siya dahil sa boses niya.

napailing ako.

hindi ko gusto ang idea niya na siya ang gagawa ng project.

ano ako? display?

naggroupings pa kung di din ako tutulong, mamamatay ako sa kunsensya ko.

"yung nangyari sayo kanina, hindi joke yon. its serious... ano ba kasi ginawa mo at nagkaganun ka?" ----- tanong niya sakin na may bahid nang pagaaalala ang boses.

umiling lang ulit ako.....

di ko alam isasagot ko.

"puyat lang talaga ako kagabi" ---- sa kawalang maisip na pwedeng dahilan.

"pano kung hindi lang pala dahil sa puyat mo? pano kung hindi lang dahil don?.... pano kung hindi huminto pagtulo ng dugo sa ilong mo? pano kung yung pagkawalang malay mo hindi ka na magising?" ----- nagtaas na siya ng boses.

bukod sa kuryenteng dumadaloy mula sa nakahawak na kamay niya sakin, nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

bakit ba ganito?

parang naghahabulang kabayo tunog ng puso ko...

parang sobrang pag-aalala naman yata niya sakin. ganito ba talaga siya ka-caring.

pati kamatayan ko naisip pa niya....

pero   ....

pero may punto din siya

pano nga kung katapusan ko na pala yun? (-.-)

"ok... lets have a deal" ---- rinig kong sabi ni Luhan.

napatingala ako.

dahilan para mapaatras ako dahil sobrang lapit pala ng mukha niya sakin dahil nakayuko din siya sakin.

Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon