TRAAI (6) [FIRST DAY]

279 12 4
                                    

FIRST DAY OF SCHOOL!!!!!!

pero parang simpleng araw lang din

graduating na kami at parang sanay na kami dito talaga sa school

kami kami pa din ang magkakaklase sa section namin.

naghihintay na kami ng Prof. namin sa unang klase.

magulo ang room gaya ng date.

may sari-sarili silang pinagkakaabalahan.

nagkukwentuhan.

nagtatawanan.

maingay.

ganun sila eh.

di ko masabing pati ako dahil tahimik lang naman akong tao.

magulo ang section namin, pero di maipagkakaila na nasa amin ang mga studyanteng responsable, matatalino at talentado

tuwing may mga competitions, academic man, o sports o kahit arts laging may kasali galing sa section namin, at kung hindi nananalo, lagi kaming may award (^____^)

isa yan sa dahilan kung ba't kilala ang section namin sa buong school.

bukod pa doon.

nasa section namin ang isa sa mga sikat na grupo dito sa buong school ang EXO.

pero kahit ganoon...

kahit sikat ang Exo Members, lahat sila ay humble.

ayaw nilang tinatratong parang nakakataas.

hindi din maiwasan ang mga babae at binabae na habulin sila. dahil halos almost perfect na sila.

pero syempre.

lahat naman tayo may weakness.

at yun ang hindi alam ng karamihan.

nakaupo ako sa upuan ko at wala akong katabi. si Kai naman ay nasa may gawing likod ko. hinihintay ko sana si Krizza para magkatabi kami. pero mukhang late yata siya.

"Shin, pakisabi pala kila Tito salamat sa dinner ^_^" ---- kausap sakin ni Kai

"sige ^_^" ---- sagot ko kay Kai.

nang maikwento ko kay Kai ang nangyari kay Sedrik, at sa kapabayaan ko.

parang mejo nabawasan ang lungkot at bigat ng pakiramdam ko.

alam kong nangyari na iyon at tapos na.

pero hindi padin mawala sa isip ko ang panghihinayang sa isang buhay na minsang naging importante sakin.

kailangan ko lang matanggap na lahat ng bagay ay may katapusan.

maaring maganda maaring panget.

nagsitahimikan ang lahat ng pumasok na ang Prof. namin sa loob ng kwarto.

si Professor Leandro Cabael.

at may kasama itong lalake.

ang lalaking.....

kasama niya ang lalakeng nakita ko noon sa Warehouse....

si Mystery Guy?.

siya nga ba yon?

hindi ako maaring magkamali....

siya nga ....

kamukhang kamukha niya.

"Good Morning Class" ---- bati ni Prof. Leo

"Good morning Sir!" ---- ganting bati namin ng sabay sabay.

Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon