TRAAI (5) [ALL FOR YOU]

248 11 1
                                    

napahinto si Papa sa pagtugtog nang mapansin niyang nakababa na pala ako.

"ikaw naman?" ---- iniaabot niya sakin ang Violin.....

ayoko......

ayoko.....

umiling ako.

nagumpisa akong manginig.....

ni mahawakan ang Violin hindi ko magawa.

"ok ka lang?" ----- tanong ni Kai na tumayo pa upang alalayan ako

nanlambot ang tuhod ko.

bigla akong nawala sa mood. 

naalala ko ang nangyari noon. 

paborito kong instrument ang Violin, halos anim na taon na yata nang huli akong gumamit nito dahil sa isang pangyayaring hindi ko ginusto...... =_____= 

isang pangyayaring hindi sinasadya na nakapagpatigil sakin sa pagtugtog ng Violin.

si Sedrik na buhay pa sana hanggang ngayon

nawala ng dahil sa kapabayaan ko. ~_~

naramdaman ko na lamang na pinupunasan na ni Kai ng panyo niya ang pisngi ko.

nadala na naman ako ng pagiisip ko.

tumayo si Papa sa upuan at nagtungo sa Kitchen. 

parang nawala din sa mood si Papa.

"we can talk about this Shin, i'm willing to listen" ------- pagaalok ni Kai

tumango ako at inaya kong lumabas si Kai at umupo ulit sa swing na inupuan namin kanina.

madilim nila pero may ilaw naman na sapat para maliwanagan kami.

[FLASHBACK 6 YEARS AGO...]

"ate! uuwi na ba tayo?" ---- tanong ni Sedrik sakin.

ang nakababata kong kapatid si Sedrik.

4 na taon ang tanda ko sakanya.

bulag na si Jacob kaya't nakaalalay ako sakanya lagi.

naiintindihan ko na mahirap ang nasa kalagayan niya kaya't bukal sa loob ko bilang ate niya ang tulungan ko siya.

pinanganak na siyang ganoon kaya ganyan nalamang ang pagaalaga namin sakanya.

pero kahit ganoon ay hindi naging hadlang iyon upang sabay kaming matutong tumugtog ng paborito naming Violin.

namana namin ang hilig sa musika dahil kay Papa.

marunong si Papa magviolin. 

at gustong gusto namin ni Sedrik na nakikinig sakanya tuwing tumutugtog siya. 

kaya't napagdesisyunan nila Mama na ienroll kami ni Sedrik sa isang Music school upang matuto kami.

libangan din namin ni Sedrik ang pagkatuto

pauwi na kaming bahay galing sa Music Studio na pinagaaralan namin.

nadaan kami sa isang Candy Parlor kaya't napahinto ako at naisipang bumili ng Cotton Candy para saming dalawa.

"Sedrik, dito kalang ha, wag kang aalis, bibili lang si Ate ng Cotton Candy para sating dalawa ha" ----- saad ko bago siya iwang nakaupo sa labas ng shop sa may upuan doon.

mabilis maattract si Sedrik sa mga kakaibang naririnig niya. 

minsan ay pag may naririnig siyang kakaiba ay pilit niyang hinahanap ang pinagmumulan ng tunog  

Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon