TRAAI (13.6) [Right vs. Left]

105 6 2
                                    

"may tao sa labas, ako nalang po ang titingin" ----- prisinta ni Luhan

nakabawi ako nang magsalita si Luhan.

aba, ano ang nakain ng batang to at nagprisinta. mukhang at home na at home na siya dito samin ah.

"naku mabuti pa nga iho, at maghahanda na ako ng pagkain, at ikaw naman Papa umupo ka na jan, alam kong pagod ka kaya't dapat madami kang kakainin." ----- sagot ni Mama.

lumabas na si Luhan para tignan kung sino man ang dumating at tumayo naman ako upang tulungan si Mama sa paghahanda.

"si Luhan ang natransfer sa inyong kaklase mo diba?" ----- tanong ni Mama habang naghahanda kami, si Papa naman ay tahimik lang na nakamasid samin.

tumango naman ako.

inamoy ko ang niluto ni Mama.

ang bango~

"mabait siya anak" ---- dagdag ni Mama

tumango ulit ako.

"at sa tingin ko seryoso siya para sayo" ----- napatulala ako sa sinabi ni Mama. parang iba pinapahiwatig.

"Ma, anong seryoso?" ---- tanong ko.

"basta malalaman mo din, ayokong pangunahan kayo" ------ si Mama.

sandali lang at bumukas nadin ang pinto ng bahay at iniluwa si Luhan..... ~

kasunod ang bisitang dumating.........

na si...... ~

Lay ~

Lay? oo si Lay ....

at sumunod na pumasok sina D.O, Clifford, TamTam, Shane, Chen, Chad, Mathew,Xylan at panghuling pumasok si Kai.

isa isa silang nagbow.

"naku! andito pala ang mga gwapong batang mga ito" ---- bati ni Mama at isa isa din silang nagmano kay Mama at Papa.

naiwan akong tulala at si Luhan naman ay nagmamasid lang.

anong ginagawa ng EXO dito?.

hindi naman sa ayaw kong nandito sila, mas pabor pa nga sakin para mejo hindi awkward kay Kai. kasi kung si Kai lang ang dumating, hindi ko alam ang mangyayari.

"Happy Anniversary po!!' ---- sabay sabay nilang bati kila Mama. may bitbit na bulaklak si Chad at iniabot kay Mama.

"naku! kay gwapong bata talaga nito" ---- bati pa ni Mama. si Chad naman ay nagpacute pa kay Mama.

"Hi Shin!" --- bati sakin ni Shane at Mathew matapos nilang magmano kay Mama at Papa.

"Hello!, di niyo naman sinabing pupunta kayo" ---- bati ko sakanila.

"si Kai basta nalang nag-aya eh, sumama nadin kami, syempre kainan to!" ---- sagot naman ni Xylan na nasa gilid na pala namin.

"ako ang nag-aya sakanila Iyela, mas madami mas masaya, Mama, nagseselos ako ah, kanina ka pa sabi nang sabi ng gwapo sa iba." ----- lumapit si Papa at inakbayan si Mama.

at ayon, naging sweet na naman sila like sila nalang ang tao sa mundo.

napansin kong pati sila ay natuon na ang atensyon kila Mama. hay naku.... sila Mama talaga.

"Ma, Pa... kain na po tayo, kumukulo na tsan ni Xylan oh" ---- saad ko habang pinutol ko ang kasweetan nila Mama.

nagtuloy na kami sa kusina. at sumunod naman din ang iba.

"woooow!!!! ang sarap naman nitong handa!!" ----- si TamTam

"ops!! dito ako!" ---- si Chad.

kanya kanyang silang kuha ng upuan.

Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon