pauwi na kami ng bahay ni Kai inabot kami ng hapon sa pagkukwentuhan sa restaurant.
kaibigan pala ni Clifford ang may-ari ng Restaurant kaya't ayos lamang na magtagal at magingay kami doon.
pinakilala nadin nila ako sa mga crew at staff doon, dahil kilalang kilala na pala sila doon, at dahil kaibigan daw nila ako kailangan din daw makilala ako doon.
nagkwento sila tungkol sa naging bakasyon nila.
si Clifford nagbakasyon sa London kasama ang pamilya niya.
sa grupo, si Clifford yata ang pinakamayaman.
halata naman, sa kutis at pananamit niya. maging sa pagkilos.
hindi din ito kuripot pero di din naman palagasta.
mahilig lang talaga itong manlibre.
sina Tam, Lay, Chen at Xylan naman ay nagbakasyon sa China, naisipan nilang bisitahin ang mga magagandang lugar doon, at balikan ang mga kamaganak nila.
sina D.O, Mathew at Chad naman ay masayang pinakita ang picture nila nang nagswimming sila sa Beach.
dapat sana ay kasama si Shane sakanila kaya lang ay di ito pinayagan, masyado pa kasing binebaby si Shane, siya din kasi pinakabata sa grupo at Mama's boy pa siya.
si Kai naman ay nagpuntang Korea kasama ang pamilya niya. may inayos at dinalaw daw sila doon kaya't nagtagal sila ng halos isang buwan.
kaya namiss ko din si Kai noong bakasyon.
Ako naman? wala akong naikwento
nagbakasyon ba ako?. hindi ko naramdaman na nagbakasyon ako.
dahil wala naman kaming pinuntahan na malayong lugar, simpleng bakasyon lang ang nangyari sakin.
minsan kumakain kami sa labas nila Mama, pag papasok na sila sa trabaho ay naiiwan akong mag-isa sa bahay, maghapong nanonood ng mga Drama at Horror na palabas.
inaayos ko din ang garden ng bahay namin. lahat na yata ng paraan para malibang ako ay ginawa ko.
paminsan minsan ay lumalabas din ako ng bahay at humahanap ng magandang tanawin upang maidrawing.
isa iyon sa mga past time ko, ang pagdodrawing ^___^
Thank God at biniyayaan niya ako ng mapagpalang kamay.
dadaan sana ulit kami sa Warehouse pero may nakalagay nang harang sa paligid ng bahay.
may mga yero na din na tumatakip sa buong paligid ng warehouse at di mo na makikita ang lumang warehouse.
rinig na rinig ang tunog ng mga gumagawang makinarya.
"mukhang mayaman ang nakabili ng Warehouse" ----- saad ni Kai
napatango ako.
sa di kalayuan ay may nakapark na mamahaling kotse.
may kinakausap ang manggagawang nanggaling sa loob ng site sa loob ng kotse. mukhang iyon ang may-ari.
"ano kaya ang itatayo nila jan?" ----- tanong ko.
sa isang iglap ay may kausap na si Kai na manggagawa sa nasabing lugar
"Manong, ano po ang itatayo niyo jan?" ----- tanong ni Kai sa nakasalubong na mama galing sa loob.
"sa nakita kong blueprint ay isang bahay, parang Villa Type at may swimming pool... ang laki nga eh" ----- saad ng mama na para bang hangang hanga sa gagawin nilang bahay
BINABASA MO ANG
Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]
Teen FictionTITLE: "TOO REALISTIC AS AN ILLUSION" ------ (TRAAI) TRAILER VIDEO: WOLF DRAMA VERSION MUSIC VIDEO of EXO (check out the video; credits to SMTownEntertainment) LANGUAGE: TagLish (Filipino + English) FORMAT: Novel / Fan Fiction / Romance / Action / D...