Kai's P.O.V
i admit.
selos na selos ako sa nakikita kong pag-aalala ni Shin kay Luhan.
mula nang nasa second floor ako at makita ko siyang pinapayungan si Luhan. kitang kita ko ang pag-aalala sakanya.
ramdam ko namang nagaalala siya sakin noon, pero iba ang pag-aalala niya kay Luhan ngayon.
iba ang tingin niya kay Luhan.
may kakaiba.
mangiyak-ngiyak pa siya kanina ng hatakin ko siya palabas ng clinic.
kung ano man ang kalagayan ni Luhan ngayon, parehas kaming walang alam. ~
dapat ko bang sabihin kay Shin ang nangyaring gulo nang nakaraang gabi?
baka lalong mas magalala siya.
baka madamay pa siya.
ano nga ba ang dapat kong gawin.
sa ngayon ang naiisip ko lang ay damayan siya. kahit mali.
"ahmmm.... magi-ging ok din siya" ---- saad ko, at pilit na pinapagaan ang loob niya.
lumingon siya sakin.
at mapait na ngumiti.
"salamat Kai, kahit papano, maraming salamat" ----- saad niya.
iba ang pakiramdam ko.
ramdam kong iba na ang pakikitungo niya sakin. tanggap ko naman dahil ako din naman ang may kasalanan.
how can i be in the middle of this shit problem. bakit kasi nauso pa ang arranged marriage >_<
at bakit pa sa pamilya namin.
pakiramdam ko ito na ang panahon para malaman ni Shin.
------------------------------------
SHIN's P.O.V
selfish na kung selfish.
pero si Luhan lang ang inaalala ko ngayon.
may lumabas na nurse mula sa clinic kaya't napatayo ako.
"Miss, ibalot mo muna ito sa katawan mo para di ka malamigan, uminom ka din muna nitong Bioflu para iwas ka sa lagnat" ----- saad ng Nurse
"si Luhan, ano? kumusta na siya?" ---- hindi ko pinansin ang pag-aabot ng Nurse sakin ng mga gamit. si Luhan, si Luhan ang gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya.
"Miss, hindi pa po siya tapos i-inspection ni Doc. huminahon po muna kayo, iinform ko po kayo pag may resulta na" ----- sagot ng Nurse.
napaupo naman muli ako at napayuko. hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman kong pag-aalala kay Luhan.
basta kanina nang makita kong nagpapaulan siya. sobrang nag-alala na talaga ako. akala ko ok na.
nag-oover react ba ako?.
bakit siya biglang nawalan ng malay?. naalala ko din ng dumugo ang ilong ko at nadala din ako sa emergency clinic.
sabi ng Nurse doon ay binantayan ako ni Kai, gusto kong bantayan din siya ngayon at matiyak na ayos siya.
naramdaman kong pinatong ni Kai ang twalyang binigay ng Nurse sa aking likuran.
"salamat" ----- napatingala ako.
umupo siya sa tabi ko at iniabot ang gamot.
"inumin mo na'to. sigurado akong malulungkot si Luhan pag nagising siya at malalamang nilalagnat ka" --- saad niya habang binibigay ang baso ng tubig at ang bioflu na binigay ng nurse.
BINABASA MO ANG
Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]
Teen FictionTITLE: "TOO REALISTIC AS AN ILLUSION" ------ (TRAAI) TRAILER VIDEO: WOLF DRAMA VERSION MUSIC VIDEO of EXO (check out the video; credits to SMTownEntertainment) LANGUAGE: TagLish (Filipino + English) FORMAT: Novel / Fan Fiction / Romance / Action / D...