A/N:
since Chapter 10 nato, at may 1K reads na!! wiiiii!!! super saya ko at nakaabot na po ng 1K. maraming salamat po sa mga readers ko lalong lalo na sa mga silent readers.. at dahil jan, gagamit na ako ng Point Of View ni Kai, para magkaclue na kayo kung ba't nagkakaganun si Kai.... ok ba?
pero bihira lang po akong magaupdate gamit ang P.O.V nang ibang characters,
ayoko po kasing masyadong gumagawa ng P.O.V ng mga lead na boys sa story ko, para may thrill.abangan niyo po ah...
5 VOTES = Chapter Update
kaya hit VOTE button na po.
Comment nadin po kayo.HI pala kay SWEETCEL!!!!
-------------------------------------
SHIN's POINT OF VIEW
nagpaalam na akong aalis na, napagusapan naming magkikita kami ni Kai.
maguusap kami.
hihintayin daw niya ako sa Tree House.
nagpaiwan naman na sina Chad dahil alam daw nilang gusto akong masolo ni Kai. baka daw maabala pa kami.
pero sa totoo lang.
kinakabahan din ako.
--
paakyat palang ako ng Tree House , ramdam ko nang may ibang tao o hindi lang si Kai ang nasa taas
"hindi lahat ng bagay ng sayo, sayo.." ---- pamilyar ang boses.... parang si Luhan yata ang nagsalita.
kung ganun si Kai ang kausap niya?
nagpatuloy ako sa pagpanik upang masaksihan si Kai at Luhan na nag-uusap.
tama nga ako.
si Luhan ang kausap ni Kai.
nakatalikod sila sa gawi ng akyatan kaya't batid kong di nila alam na pinapanood ko na sila.
nacurious ako sa pinag-uusapan nila.
parang seryoso.
"anong ibig mong sabihin?" ---- tanong ni Kai
"walang permanenteng bagay sa mundo" ---- saad ni Luhan.
nakatayo si Luhan at nakapamulsa, si Kai naman ay nakaupo sa upuan. animo parehas silang malayo ang tingin.
"gusto ko din palang malaman mo na hindi ako magaaksaya ng panahong makuha siya" ---- matigas at seryosong tinig ni Luhan.
umulit sa utak ko ang sinabi niya.
sinong siya?
pansin kong parang nagulat si Kai sa tinuran ni Luhan dahil napalingon ng wala sa oras si Kai.
may kinalaman ba kay Kai?
si Krystal ba ang pinaguusapan nila?
"nahihibang ka na ba? hindi mangyayari yon, wag kang magalala" --- maangas na sagot naman ni Kai na animo may pinanghahawakan at sigurado ito.
teka sino ba pinaguusapan nila?
bakit parang napakaimportante naman ng taong iyon?
lumingon din si Luhan kay Kai at binigyan ito ng animo nangaasar na ngiti.
"malalaman natin sa hinaharap" ---- pumihit na si Luhan paharap sa may babaan ng Tree House, kung saan madadaanan niya ako.
BINABASA MO ANG
Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]
Teen FictionTITLE: "TOO REALISTIC AS AN ILLUSION" ------ (TRAAI) TRAILER VIDEO: WOLF DRAMA VERSION MUSIC VIDEO of EXO (check out the video; credits to SMTownEntertainment) LANGUAGE: TagLish (Filipino + English) FORMAT: Novel / Fan Fiction / Romance / Action / D...