"sige, mauuna na ako, may pupuntahan pa kasi ako" ---- paalam ko
"saan?" ---- maagap na tanong niya.
"kila Chad, dadalawin ko siya, nilagnat kasi siya pagkatapos niyong maglaro" ----- sagot ko.
tumango naman si Luhan.
"sandali..... pwede bang sumama ako? dadalawin ko na din siya...." ----- tanong ni Luhan.
siya dadalaw?
sasama siya sakin?
kaming dalawa?
"kung ok lang sayo?" ----- saad ni Luhan at nagkamot pa ng batok.
wala namang masama.
nagiging malapit na din naman siya samin lalo na at seatmate ko siya.
"sige ba. kaya lang ayos lang sayo? maglalakad lang kasi ako eh" ------ tanong ko sakanya.
"dala ko naman yung kotse ko, sabay na tayo" ----- sagot niya.
at napagdesisyunan nga naming sabay magpunta at dumalaw kay Chad
sigurado ako matutuwa si Chad pag nalaman niyang dadalaw si Luhan.
pansin ko kasing si Chad ang unang nakaclose niya sa lahat ng myembro ng Exo.
nang matapos na namin ang kinakain ay nagpunta na kami kila Chad.
akmang kukunin ko ang supot kong dala nang braso ni Luhan ang nahawakan ko
"ako nalang ang magdadala" ---- dahil bibitbitin na niya ang supot na pinaggrocery ko.
inilayo ko kagad ang kamay ko.
ba't ganun?
first time kong maramdaman iyon ah.
parang nakuryente ako.
ordinaryo lang ba yon?
pagkalagay niya ng mga supot sa likod ng kotse niya ay pinagbukas pa niya ako ng pinto sa tabi ng driver seat.....
pumasok naman na ako at umupo sa driver seat.
pinasadahan ko ng tingin ang loob ng kotse.
masinop, malinis.
hindi nga ako nagkamali, clean and neat person siya.
pagsakay niya sa kotse ay nagulat ako ng dumukwang siya sa may bandang gilid ko.
sapat na para maglapit ang mukha namin.
napangiti siya.
(^___~)
yung ngiting nakakatunaw.... (^__^)
inabot pala niya ang seatbelt ko (~___~)
samantalang ako......
(~_~)
kabang kaba.
*DUG DUG DUG DUG*
nakadiin na ang ulo ko sa headrest dahil sa sobrang lapit na nang mukha namin sa isa't isa.
kitang kita ko ang mga mata niya na mejo color gray......
nakakailang pero kinabit lang pala niya ang seatbelt ko.
matapos ay kinabit din niya ang seatbelt niya.
nakangiti siya.
inayos ko nalang kunwari ang seatbelt ko na parang walang nangyari pero ang totoo ay kinabahan ako sa ginawa niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]
Teen FictionTITLE: "TOO REALISTIC AS AN ILLUSION" ------ (TRAAI) TRAILER VIDEO: WOLF DRAMA VERSION MUSIC VIDEO of EXO (check out the video; credits to SMTownEntertainment) LANGUAGE: TagLish (Filipino + English) FORMAT: Novel / Fan Fiction / Romance / Action / D...