[!!!]
Please do vote first before reading it ^^ thank you so much!! <3
SHIN's P.O.V
7:30AM MONDAY
nagaabang ako sa pagdating ng iba naming kaklase
halos nangalahati ang room na walang umookupa sa upuan.
tumingin ako sa aking rilo.
tanghali na bakit wala pa ni isang Exo member.
napalingon ako sa tabi ko.
hindi din naman nalelate si Luhan. pero bakit wala pa siya?
"bakit wala pa sila?" ----- tanong sakin ni Krizza.
nagkibit ako ng balikat.
kumpleto naman sila noong huling nagpunta sila sa bahay sa celebration ng Anniversary nila Mama.. ~
ano kaya ang nangyari?
dumating na ang unang Prof. namin sa unang subject. pero wala pa din ni isang member ng EXO.
"ok class, since halos kalahati ng classmate niyo ay mukhang di na darating, please fill up ng vaccant seats here sa harap para mas madali niyo akong marinig" ---- utos samin ni Prof.
napabuntong hininga nalang ako.
"may idea kaba bakit sila wala?" ---- tanong sakin ni Krizza nang magkatabi kami nang lumipat sa upuan sa harap.
nagkibit nalang ako ng balikat dahil maski ako, hindi ko alam.
wala akong naisip na dahilan para umabsent sila. dahil hindi din naman nila ugaling magcutting classes. lahat sila masipag pumasok kahit minsan ay tinutulugan nila ang klase.
hindi ako mapakali kung ano ang nangyari sakanila.
pati si Luhan. absent.
(-____-)
"ui! ano ka ba?!baka mahuli ka ni Sir, imbis na notes natin ang isulat mo, puro name ni LUHAN yang nasa papel mo!" ---- bulong na pamumuna sakin ni Krizza ~
napayuko ako sa notebook ko at hindi nga siya nagsisinungaling ...
puro nakalettering na pangalan ni Luhan ang nakasulat sa papel ko.
agad ko namang pinunit at nilamukos ang papel...
baka kung ano isipin ni Krizza ~
hindi ko na namalayan. sa sobrang pag-iisip ko ay kung ano ano na pala ang naisusulat ko....
pati pangalan ni LUHAN
bakit ba ganon?.
mula nang magkasama kami noong gagawa kami ng project.
lagi ko nalang nahuhuli ang sarili kong iniisip si Luhan.
yung pagtawa niya.
yung kakaibang pagpapalit palit ng mood niya.
kahit na nagkakausap at mejo hindi na ako naiilang sakanya.
may oras padin na kinakabahan ako tuwing kasama ko siya....
not in a bad way, pero iba yung tibok ng puso ko eh.....
ay ewan ko ba
naguguluhan talaga ako.
lunch break na.
napagusapan naming magtake-out nalang sa canteen at sa School Garden kami kumain ni Krizza.
BINABASA MO ANG
Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]
Teen FictionTITLE: "TOO REALISTIC AS AN ILLUSION" ------ (TRAAI) TRAILER VIDEO: WOLF DRAMA VERSION MUSIC VIDEO of EXO (check out the video; credits to SMTownEntertainment) LANGUAGE: TagLish (Filipino + English) FORMAT: Novel / Fan Fiction / Romance / Action / D...