********** 3RD PERSON's P.O.V **********
at the Green Garden
kakababa lang ng tawag ni Luhan kay Shin. naguusap pa sila ngunit bigla nalang itong nawala sa linya. ang huli nalang niyang narinig ay may tinig ng babae na tumawag dito. naisip ni Luhan na maaring nakakita ito ng kakilala.
nakaramdam si Luhan ng pag-aalala. ngunit pinigilan niya ang sarili niya. naisip ni Luhan na nitong mga nakaraang araw, mula nang nangyari sa kanila ng ibang Exo members, ay masyado na siyang nagaalala kay Shin. pakiramdam ni Luhan ay mas kailangan niyang protektahan si Shin. ano man ang mangyari, hindi siya lalayo kay Shin. lalo na ngayon, na inamin na niya sa sarili niya na mahalagang tao si Shin sakanya.
nasa Green House siya ngayon upang i-assemble ang kanilang project, pinilit niyang matapos ito at pumasok ma-ipass lang ang project kahit na sariwa pa ang mga sugat niya at masama ang pakiramdam, dahil alam niyang magaalala si Shin...
inihahanda na niya ang sarili niya na magtatanong ito ng magtatanong, at hindi pa handa si Luhan na sabihin ang totoo, at kanyang nililihim.
hindi dapat ito mangyayari, hindi kasama sa plano niya ang mga nangyaring ito, may nangialam lang talaga.
habang seryosong nagaayos si Luhan ay hindi niya namalayang dumating na si Chad at Shane.
"Luhan, project niyo?" ---- tanong ni Chad kay Luhan
parang nagising naman sa katotohanan si Luhan nang marinig ang boses ni Chad habang papalapit ito kasama si Shane.
"ah oo" ---- nagiisip na sagot ni Luhan.
"wala pa kaming project" ---- saad ni Shane
"extended pa naman yata ang pagpapass" ---- pagsagot ni Luhan.
habang ina-assemble ang project nila Luhan ay ibinukas naman ni Chad ang topic at napagusapan nila kahapon...
"ahmmm Luhan, nakapagusap na ba kayo ni Kai?" ---- tanong ni Chad
SHIN's P.O.V
mukhang tama ang conclusion ni Prof.... magkakasama nga kaya talaga sila?? pati si Luhan?
ano ba talaga nangyari?.
napalingon ako kay Luhan na katabi ko.
"can someone explain?" ---- muling tanong ni Prof.
napuno padin ng katahimikan sa loob ng room.
napansin ko ang braso ni Luhan na may maliliit na parang gasgas na sugat at pasa.
hanggang ngayon ay nakayuko padin siya.
may problema ba sakanya?.
ano ba talaga ang nangyari?
"if no one talks, mapipilitan akong ipa-office kayo, i know hindi naman big deal ang pag-absent niyo, but to think na sabay sabay kayong papasok, at makikita kong may mga sugat o pasa kayo, i have the rights to know kung ano ang nangyari" ----- saad ni Prof.
sige push mo pa Prof. kasi gusto ko din talagang malaman ang nangyari.
ano na ba nangyayari sa mga tao dito. di ko na malaman bakit parang ang daming nangyari nung nawala sila.
"sige. kung ayaw niyong pag-usapan.dito, mag-usap tayo sa Head Office" ----- sabi ni Prof.
napansin kong iiling iling si Chad.
at lalo namang napayuko si Luhan.
problema talaga.
----------------------
A/N:
short update
sorry po. author's block kasi. -.-
nawala ang feels ko sa pagsusulat.
pero i promise. hahabaan ko na po sa next update ko. thank you!!
VOTE/COMMENT/FOLLOW naman po.
thank you!!!
- Ali
BINABASA MO ANG
Too Realistic As An Illusion [ON-GOING]
Teen FictionTITLE: "TOO REALISTIC AS AN ILLUSION" ------ (TRAAI) TRAILER VIDEO: WOLF DRAMA VERSION MUSIC VIDEO of EXO (check out the video; credits to SMTownEntertainment) LANGUAGE: TagLish (Filipino + English) FORMAT: Novel / Fan Fiction / Romance / Action / D...