Chapter 38

56 2 0
                                    

Mag-iisang oras na simula nung lumabas yung doctor at sabihing stable na si Lablab, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako pumapasok sa kwarto niya. Ayokong makita siya na maraming aparatus ang naka-kabit sa kanya, hindi bagay sa kanya yun.

Hindi maalis sa isip ko yung itsura kanina ni Lablab habang walang malay. Ilang minuto pa lang ang sigla-sigla niyang kumakaway sa akin na parang bata and the next minute wala siyang malay. Natakot ako sa mga pwedeng mangyari, ang bilis-bilis. Gustong-gusto ko ng iuntog ang ulo ko sa pader sa mga posibilidad na pumapasok dito pero hindi ko magawa dahil alam kong hindi magugustuhan ni Lablab na makitang may bukol ako pag-kagising niya.

Tama.

Gigising pa si Lablab. Malakas siya eh, fighter siya, gigising siya.

Naputol lahat ng iniisip ko nung bumukas ang pinto ng kwarto ni Lablab sa ospital. Seryoso yung mukha ni Kuya Roi nung lumabas, pumunta siya sandali sa nurse's station tsaka bumalik at umupo malapit sa akin. Ang lalim ng buntung hininga niya kaya naman hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.

Hindi ko kayang sagutin yung mga tingin niya kaya napayuko na lang ako.

"Cloud, pumasok ka na. Sigurado ako, ikaw ang gusto niyang makita hindi yung kisame paggising niya." Mahinahon yung tono ni Kuya Roi. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinauupuan ako dahil sa pag-aalala. "Tatagan mo yung loob mo. Walang may alam kung ano yung susunod na mangyayari, kaya magpakatatag tayo, lalong-lalo ka na."

Hindi ko pa rin magawang magsalita pero nung tinapik niya ako sa balikat, hindi ko na kinaya ang pag-agos nung luhang kanina ko pa pinipigilan pati na rin yung boses ko. "Natakot ako sa bilis ng mga pangyayari. Ang bilis-bilis. Natatakot ako na maulit yun, paano kung bigla na lang tumigil yung puso niya, paano kung hab---"

"Hindi kita masisisi na ganyan ang naiisip mo, kasi natatakot ka na mawala siya, pero hindi lang kita sisisihin if you'll let that get into you...magagalit ako sayo," pagputol ni Kuya Roi sa akin. "Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na rin," he said with a reassuring smile. "Just be fine and she'll be, too," habang sinasabi niya yun ginulo niya ng kaunti ang buhok ko. It was such a brotherly gesture na nagpakalma sa akin.

"Salamat Kuya Roi," niyakap ko siya pagkatapos nun dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Lablab. 

May iilang mga machine ang naka-kabit sa kanya habang mahimbing siyang natutulog. Umupo ako sa upuan malapit sa kama niya, hawak-hawak ko yung kamay niya, mainit na parang nagbibigay ng lakas sa akin.





---





"Cloud, wake up," malambing yung boses na narinig ko. Hindi ko alam kung nanaginip ako o gising na ako. Nakatulog pala ako.

"Hoy, gumising ka na, nandito yung nurse ni Belle," this time alam ko na na gising na ako. There's no way in hell na mapupunta sa panaginip ko si Peter. 

Tumayo ako at lumipat sa couch dahil medyo inaantok pa ako. Pero nagising din ako sa biglang pag-upo ni Peter sa tabi ko, paglingon ko nandun pala si Kyra. Hindi na ako nag-react at lumingon na lang ulit sa direksyon ni lablab. Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil sa nurse na nag-aasikaso sa kanya.

"You want anything to eat?" tanong ni Kyra. "Nagtext si Lou, papunta siya dito." Upon hearing that naalala ko hindi pa pala kami kumakain ng dinner. Binuksan ko yung cellphone ko and I was dumbfounded to see the time. 

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon