Chapter 18

116 3 1
                                    

Chapter 18

Cloud's POV

Ang tahimik. Lintek. Di ako sanay.

Malamang. Nasa library ako eh. Nag-aaral kasi ako. Malapit na ang finals eh. May hinahabol akong scholarship eh. Though, kaya ko namang bayaran tuition ko sa allowance ko pa lang. Maganda lang kasing tignan sa record na scholar ako at kaya ko naman kasi.

May babaeng umupo sa harap ko. She's annoying! Nagpapansin kasi. Argh. Not because she's wearing revealing clothes eh papansinin ko na siya. I'm not Brix -__-

Blue lacoste polo shirt, faded jeans from armani, black and gray vans, daddy's white gold rolex, and my appeal. Ganyan ang porma ko ngayon. Wala lang. Gusto ko lang sabihin. Kailangan ko magbreak from studying eh.

Habang nagbabasa ako ng libro, nagvibrate yung cellphone ko, causing everyone in the table to look at it. Nahiya naman daw ako sa eksena kaya nagsorry ako sa kanila.

Kala ko nagtext si lablab ko. Alarm lang pala. Niligpit ko na yung libro at iba pang mga gamit. Yung babae sa harap ko, agad sumunod sa akin sa counter. Psh.

Lalabas na sana ako kaso yung id ko wala. Tangina naman. Pagtingen ko sa babae, nakangiti siya at nilabas yung id ko.

"Want it?" Tanong niya. Malamang gusto kong makuha yun. Akin yun eh. "No-oh! You're not getting it....unless, you drive me home."

Psh.

"You wish," I hissed at iniwan na siya dun.

"Hey loverboy. Correction, I commanded. Drive me home or else...you won't like what will I do with this."

She got some nerves ha? Actually, she wasn't the first girl who did this to me. Hindi pa ba titigil tong mga babaeng to sa kakapustahan kung sino ang iuuwi ko sa bahay nila? Nagsasawa na ako. I bet, mas malaki ang pusta dahil alam nilang queen bee is my girl. Psh.

Tumaas na naman ang value ko -____-

Iniwan ko na siya dun at dinial ko ang number ng isang taong aayos para sa bagong id ko. 

"Manang mineral water, 1 liter y----"

"Hindi malamig kasi masama sa girlfriend mo ang paginom ng malamig na tubig kapag pagod." Alam na alam na ni Manang, lagi kasi ako dito bumibili kapag pupuntahan ko si lablab ko sa practice nila. On the way na kasi sa gym eh. "Late ka ng 5 minutes ah."

"May mga palaka ho kasi sa daan."

"Ikaw talagang bata ka! Sige na, baka hinahanap ka na ng girlfriend mong maganda."

Pagkaabot ko ng bayad tumakbo na agad ako papunta sa gym. Ipipilit na naman kasi ni Manang yung sukli. Eh wala akong lalagyan ng barya sa wallet eh.

Pagdating ko sa gym, halos puno ng estudyante. Dry-run kasi nila lablab malapit na kasi ang performance.

Defending champion ang school nila Peter. At alam kong hindi papayag si lablab na matalo sila sa school nila Peter. May pagkacompetetive kasi si Peter at Lablab. Sila na ang magchildhood friends -__-

At kailangan ko talagang ulit-ulitin ang lablab. Hahahahaha.

"CLOUD!!!" Si Lou lang pala at tinuturo yung upuang bakante sa tabi niya. Kahit na ilang ako kay Lou, pumunta na ako dun, kasi malapit siya sa bleachers nila lablab.

Ang ganda ng lablab ko. Bagay na bagay sa kanya yung uniform nila. Ang hindi ko lang talaga nagugustuhan eh, maikli masyado ang palda. Nagdidiwang ang mga lalaki dito sa gym.

Nung nagwaterbreak sila agad-agad akong bumaba para abutan si lablab ng tubig, kaso masyadong maganda si lablab. Ang daming lumapit sa kanya. Napatigil ako noon sa paglapit. Tinignan ko si lablab habang pinapalibutan ng mga lalaki.

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon