Chapter 39

72 3 0
                                    


Chapter 39

2 weeks pagkatapos maospital ni Lablab tsaka pa lang pinayagan ng doktor niya na lumabas. Mahigpit yung bilin ng doktor na magpahinga muna si Lablab, at alam ko kung anong pahinga yung hinihingi ng doktor. Di naman kami ganun kadalas eh.

Bumalik na ulit yung sigla ni Lablab kaya naman, napag-isipan naming lumabas ulit.

Mula nung lumabas si Lablab sa ospital wala na siyang ibang binaggit kung hindi ang Baguio. Gustong-gusto daw niyang pumunta ng Baguio. Kaya almusal namin, Baguio, lunch, meryenda, at dinner Baguio ang binabanggit niya.

Kaya eto ngayon, naghahanda kaming pumunta ng Baguio. Nag-eempake kami ng mga gamit. I mean, siya lang pala, siya daw kasi muna ang fashion designer. Ang role ko lang talaga eh ang mag-buhat ng maleta at magsara.

Akala ko nga isang buwan kami dun eh, ang dami-dami kasi niyang gusting dalin.

"Lablab, nasan yung saksakan ng printer?" tanong ko sa kanya. Siya lang naman kasi madalas gumamit nito dahil nga sa nahihilig siya magprint ng recipes.

"San ba tayo magsstay?" curious na tanong niya. "Saan mo ba gusto? Malapit sa city or malayo?"

"Dun na lang tayo sa malayo sa city, di rn naman ako makakalakad-lakad dun. Gusto yung nasa loob ng CJH na hotel, peaceful dun eh," request niya. Bumalik na siya sa loob ng walk-in closet at tinuloy ang paghahalungkat ng mga damit dun.

"Lablab, aren't you done? Puputok na yung maleta oh," I said matter of fact-ly. If ever there is such word.

Lumabas si Lablab sa walk-in closet habang nakapamewang kasama pa nung are-you-fckin-kidding-me face. "This is our first vacation together," she said calmly. "I don't want to ruin it by forgetting something important," she said while brushing my hair using her fingers.

Ano pa bang sasabihin ko kung hinalikan niya na ako sa labi? It was a sign that topic is over.

She smiled when I nodded at her. Syempre nanalo siya eh -_-

Hindi ko ba alam kay Lablab bakit ang dami-dami niyang dadalin eh ilang araw lang naman kami dun. Kung ako lang isang backpack lang ang dala ko.

Hayyy Lablab.

Binalikan ko na lang yung ginagawa ko sa harap ng pc ko.

Ken...Caling

Ano na naman kailangan ni Ken? Gabing-gabi na oh.

Kahit na ayaw kong sagutin, sinagot ko na rin alam ko naman na hindi titigil 'to hangga't di ko sinasagot ang tawag niya.

"Langya ka Ken gabi na oh. Problema mo?" Hindi talaga uso sa amin ang hello na greeting. Lalaki kami eh.

"Nag-away kami, tas gusto na niya makipagbreak," atungal ni Ken.

"Edi makipagbreak ka na!" pang-aasar ko sa kanya. Alam ko naman na hindi kaya n Ken na makipagbreak sa girlfriend nyang mas bata sa kanya. Kahit na may pangalan ang jowa niya, ang tawag namin eh 'girlfriend na mas bata' wala lng, pang-asar lang kay Ken.

"Ang laki mong tulong!" sigaw niya mula sa telepono. "Buksan mo pinto, naglalakad na ako papunta sa unit niyo," utos niya sabay baba ng telepono.

Walangya talaga to. Alam ng may asawa na ako at hindi na pwedeng makipag-inuman sa kanya kahit kailan niya gusto eh. Hindi naman sa hindi pwede, I just want to spend all my time with Lablab.

"Lablab, si Ken pupunta daw dito."

Bago pa makasagot si Lablab eh kinakatok na ni Ken yung pinto namin, di ba marunong pumindot to?

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon