Chapter 2

208 4 1
                                    

Chapter 2

Isang linggo at mahigit na rin mula nung nangyaring nabasag yung puso ko. Yung hinihingi kong immunity hindi ko alam kung meron na ba o wala pa. Walang emosyon.

Mag-iisang linggo ko na ring hindi nakikita yung babae. Si Belle. Mabuti na rin yun para hindi niya guluhin sina Bea. Natauhan na rin siguro yun.

May PE pa ang mga second year. Pareho nga pala kami ng PE ni Bea. Badminton. Kaya nagbihis na ako ng PE uniform, tsaka dumiretso sa court.

Parang kakasabi ko lang na hindi ko nakikita si Belle, nagpakita na rin. T*ngina ano to? Bakit andito siya? Ang alam ko hindi siya classmate dito ah. Tsk. Mukhang may balak nga tong babaeng to.

Sabi ko na nga ba meron. Nagpacompete yung prof nila at prof namin. Mixed doubles ang laro. Ang maglalaro si Bea at yung classmate namin na bakla. Sa kabila si Belle tsaka yung classmate nilang mukhang KPOP star.

Simula pa lang ng game mainit na. Mainit na kasi maglaro si Belle, halatang pinagiinitan si Bea. Hindi masakit tamaan ng shuttlecock pero kung malakas yung impact masakit din lalo na sa mga babaeng katulad ni Bea. Magaling maglaro si Belle tsaka yung partner niya. Mukhang well coordinated sila eh. Ano to? Pinagpraktisan? Korni naman.

"Rewy, oh tubig." Ampupu. May sariling PA?

"Thanks."

"Towel."

"Thanks."

"Belle, water?" Ayy. Kay Belle ibibigay yung binigay ng mga PA niya? Nice naman. Mukhang masaya sila panuorin ah.

"Shut up Rewy. I have my own." Mataray talaga. Brat.

After the break back to the game na. Kahit na naiinis ako sa Belle na to dahil nasasaktan na si Bea physically, di niya kasi masalo smash, eh naaliw ako panoorin si Belle. Gigil na gigil eh.

"Namemersonal na ata sila ah." Comment ng isang classmate namin.

"Oo nga. Kawawa naman si Bea, ang dami niya ng tama oh."

Nanuod lang ako sa game. Mas pinili ko na lang na wag mangialam sa kanila. Wala naman akong issue kay Bea eh, tanggap ko kahit masakit.

Talo sila Bea. Di bale panalo naman siya kay Aaron eh. Hindi siya malalamangan nung Belle kasi meron siyang Aaron na nagmamahal sa kanya.

Pauwi na lahat, last class na kasi tong PE namin eh. Papunta na yung mga varsities sa gym para magtraining. Ang tagal din ng babaeng yun eh noh? Siya na lang ata nasa locker room ng girls. Bat ba kasi nandito pa ako?

Pero dahil nanalo na naman ang curiosity ko, lumapit ako sa may locker room.

"I know you like me, Enzo. And if you want to prove it, you will do whatever I want, right?" Sabi ng brat habang hinihimas yung mukha nung isang varsity. Psh. What a scene.

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon