Chapter 19
Mahal na mahal ni Enzo si Lablab ko pero dakilang martir siya. Nilunok niya yung pride niya para kay lablab.
Kinwento ko kay Peter yung nangyari at natawa lang siya. Nababaliw na naman.
-____-
"Cloud, hangga't baliw na baliw si Enzo kay Arabelle, walang gulong mangyayari."
"Mas tamang sabihing, basta andyan si Lablab sa tabi ko walang gulo."
"We'll see. Martir talaga yang tarantadong si Enzo. Simula bata kami hanggang ngayon si Belle lang talaga ang minahal."
"Nagsalita ang hindi martir," pang-aasar ko kay Peter.
"Ako may ginawa ako para maging kami ni Kyra," pagdepensa niya sa sarili niya. Oo nga naman. May point siya dun. Halos mabaliw si Peter kakaisip kay Kyra.
"Nasan nga pala si Ken? Matagal-tagal ko na ding di nararamdaman yung gagong yun."
"May pinopormahan si Ken. Kaso bata pa, 4th year highschool sa Elridge," sabi ni Peter. Tangina talaga si Peter lahat na lang alam.
"Yun ba yung tinitigan niya sa facebook niya nung isang araw?"
"Siguro. Sige na Cloud, uwi muna ako," paalam ni Peter.
"Geh! Lock mo yung pinto ah."
Nakatulog pala ako pag-alis ni Peter kagabi. Ala-una pa lang ng hapon? Tsh. Alas-kwatro pa yung exam ko eh.
To: Lablab
Lablab, naglunch ka na? Kumain ka na ah. Nakatulog ako.
Kailangan nagpaparamdam agad sa taong mahal mo tuwing bagong gising ka para good mood agad.
From: Lablab
Kakatapos lang ng exam. Maglulunch pa lang kami ni Lou. Sabi ko naman sayo, wag ka magpupuyat eh.
Agad-agad akong naligo para makasabay sa lunch si lablab. Sa Nudgens sila kakain, mabuti na lang malapit ang condo ko sa Nudgens kaya agad akong nakarating.
"Ang sweet naman!" Bungad ni Lou. Magkapareho pala kami ng kulay ng suot ni Belle. Ako yellow na polo shirt, siya naman yellow na blouse.
Bumeso na ako kay lablab. Halos kakaumpisa pa lang nila kumain.
"Order lang ako," paalam ko.
"Okay. Eat healthy ah." Ang sweet ni lablab ngayon.
"Sure."
Eat healthy? Yung hipon na lang ang inorder ko. Sugpo pa nga ata.
Paglapit ko pa lang sa table naghahatching na si Belle. Nung nilapag ko yung pagkain namula na siya agad. Nagpanic kami ni Lou kaya agad namin siyang dinala sa ospital.
Natutulog na si Lablab. Allergic pala siya sa hipon. Ang lakas naman ng allergy niya na kahit maamoy niya lang inaatake siya.
Hawak ko lang yung kamay niya, hinhintay siya magising.
Tangina. Sobrang taranta ko kanina.
Ngayon, narealize ko na marami pa pala kaming di alam tungkol sa isa't isa. Nandun na kami agad sa mahalan. Kailangan talagang kilala niyo ang isa't isa sa isang relasyon. Pero, maaga pa naman. Pwedeng-pwede pa naming kilalanin ang isa't isa.
"I'm sorry," agad kong bungad kay lablab pagkagising niya.
"Di mo kasalanan yun Lablab. Wag mo sisihin sarili mo. Okay?"
Nagsmile lang ako sa kanya tas umupo malapit sa kanya. Maya-maya naman inabot niya yung mukha ko at hinaplos-haplos.
"Sabing hindi mo kasalanan eh. Maarte lang talaga yung katawan okay?! Lablab naman eh. Stop sulking like a baby! I'm fine."
BINABASA MO ANG
Starting Over The End
Dla nastolatkówAfter a couple started their journey to a lifetime, two different individuals shed tears. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga taong nagpaparaya ay magpaparaya. Darating at darating din ang taong inilaan para saktan at paibigin sila. Marami ang tut...