Cloud's POV
Pagkatapos kong ihatid si Lablab sa kanila, dumiretso agad ako sa bahay ni Peter. Nandon ang tropa eh. Tamang chill lang daw.
"Kamusta Cloud? Ayos ba set-up nila Ate?" tanong ni Brix. Isa sa mga restaurants ng Ate ni Brix yung lugar kung saan ako nakipagbati kay Lablab.
Tumango na lang ako at umupo sa tabi ni Den.
"Hey, what's up?" tanong ni Den. Ambilis talaga ng pick-up ni Den sa mga bagay-bagay. Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag yung nararamdaman ko.
I just looked at the sky and prayed.
I don't wanna face the reality of Lablab's condition. Pero everytime I see her, there are changes in her that slaps me of her condition.
"Kinakabahan ka lang sa kasal mo Cloud," bati ni Ken.
"Sana nga, ganun na lang eh," nanginginig ang boses ko. "Ang hirap 'tol," yun na lang ang nasabi ko bago ko pa ilabas lahat ng tubig sa mata ko. Nagkakaintindihan na kaming lahat nun. Alam na nila. Ayoko na rin kasing idetalye pa. Masayadong masakit.
"I can't find the right words to comfort you Pare," Den said ang gulped down what was left in his bottle.
"I know I'm selfish pero sana katulad lang 'to ng ibang tampuhan ng magkarelasyon; yung tipong nag-away lang kami, muntik magbreak. At least, alam ko nandiyan lang si Lablab. Alam kong may magagawa ako para makasama ko siya. Hindi yung ganito. Wala akong magawa."
Lahat sila tahimik lang na nakikinig sa akin. Umiiyak ako sa harap nila na parang batang nawawala sa mall, pero ni katiting na bakas ng judgment wala akong makita sa kanila. Maswerte pa rin talaga ako sa mga kaibigan ko.
"Bilang isang lalaki na lubos na nagmamahal sa isang babae, responsibilidad, obligasyon ko na gumawa ng mga bagay na magpapasaya o magaalis sa sakit na nararamdaman ng babaeng mahal ko. Pero fvck. WALA AKONG MAGAWA," kasabay ng pagkakasigaw ko dun kasabay nun ang paglipad ng bote sa terrace nila Peter. Nagulat silang lahat sa ginawa ko, pero hindi nila ako kinwestiyon.
"At ang sakit-sakit para sa akin nun," pabulong kong iniiyak.
"Cloud, hindi ka doktor, albularyo o faith healer kaya wala kag magagawa para mapagaling si Belle. Pero ikaw si Cloud Hugo Rivera, ang nag-iisang lalaking minahal ni Belle. Just stay beside your Lablab and she'll be the happiest." Peter speaks from experience. He exactly knows what he's talking about dahil napagdaanan niya na yung kaparehong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Starting Over The End
Teen FictionAfter a couple started their journey to a lifetime, two different individuals shed tears. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga taong nagpaparaya ay magpaparaya. Darating at darating din ang taong inilaan para saktan at paibigin sila. Marami ang tut...