Chapter 36
Cloud's POV
Simula nang ipinakilala kami bilang Mr. and Mrs. Rivera hindi ko na naialis ang mga ngiti sa labi ko. Ang saya-saya ko na gigising ako bukas ng umaga na si Lablab ang una kong makikita. Hindi man niya ako ipagtimpla ng kape o ipagluto ng almusal bukas ng umaga walang magbabago sa pagtingin ko sa kanya. Hindi ko naman pinakasalan si Lablab expecting her to serve my every need, pinakasalan ko siya dahil alam kong yun na lang ang kulang sa amin. And I know for a fact that she doesn't know her way in the household chores.
While we're having our early dinner, nagpplay yung regalo sa amin ni Den. Siya ang nakaisip at gumawa nung cartoon na pinanood ni Lablab sa tent kanina. Ang kuripot talaga nitong singkit na to. Sabi kong kotse gusto kong regalo eh.
Dahil naumpisahan ko na, sige itutuloy ko na ang mga regalo ng mga ugok. Si Ken, camera ang regalo. Para daw recorder ng mga mangyayari sa buhay mag-asawa namin ni Lablab. Napaka-thoughtful ni Ken ngayon, salamat sa girlfriend niyang mas bata sa kanya. Nagkakaisip na din sa wakas.
Si Peter naman, a plane ride overlooking Tagaytay. Siya lang ata ang gumastos para sa kasal ko.
Syempre may kahalong kalaswaan ang regalo ni Brix. Hanggang diyan na lang yan.
"Belle, anak, sorry," napaka-emotional ni Mama. Napa-pikit na lang ako dahil ayaw kong makitang umiiyak si Mama. Nasasaktan ako eh. Pero after a while, nagpapalakpakan sila...yun pala pinuntahan ni Belle si Mama at niyakap. What a sight to see.
Sumunod na rin ako kay Belle at niyakap silang dalawa...ang mga pinaka-importanteng babae sa buhay ko.
Kaya ayoko ng naisip nilang ganito eh, mag-iiyakan lang kaming lahat. At saka, alam ko naman na masaya sila para sa amin ni Belle...hindi na dapat pang iparinig sa buong mundo yun dahil ang tunay na kasiyahan nararamdaman hindi pinagsisigawan.
BINABASA MO ANG
Starting Over The End
Teen FictionAfter a couple started their journey to a lifetime, two different individuals shed tears. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga taong nagpaparaya ay magpaparaya. Darating at darating din ang taong inilaan para saktan at paibigin sila. Marami ang tut...