Chapter 5

153 4 1
                                    

Chapter 5

Nakaupo kami ni Belle sa labas ng isang coffee shop, wala lang, tamang tambay lang. Di naman kami nag-uusap, para nga lang nagkataon lang magkashare lang kami ng table. Suplada na naman kasi si Belle eh. Ang lakas ng topak eh.

"Cloud......bat ang stupid mo?"

"Kasi nagmamahal ako," simpleng sagot ko. "Ikaw din naman eh, bakit nagpapakatanga ka kay Aaron?"

Matagal bago siya sumagot, "Naiinis ako sa kanya, ayaw ko sa lahat binebetray ako."

"Yun lang?"

"Minahal ko din eh," sagot niya.

"Minahal?"

"Ohf*ck! Bakit ang dami mong tanong?! Mahal ko si Aaron. Okay?!"

Natahimik na ulit kami. Siya malupit ang gigil niya dun sa phone niya, ako pinagmamasdan siya. Napapangiti ako sa kanya.

Sa totoo lang mabait din naman si Belle, sadyang napangungunahan lang ng pagiging brat at spoiled niya. Tsaka concern siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, hindi niya lang kayang ipakita yun in a nice way.

Marami na akong nakilalang babae, halos lahat ng klase nakita ko na. May mga spoiled brats, rich princess, Miss Perfect, ideal girl, perfect wife material, boyish, kikay, Maria Clara kuno, mahinhin, seductress, liberated, manang-type, flirts, nerd, manhater, playgirl, Maria Ozawa, basta halos lahat. Pero sa lahat ng yun si Belle lang ang babaeng iba, hindi ko maexplain panung iba, basta iba yung dating niya sa akin.

"HOY! Ul*l na Cloud!"

Napabalikwas ako sa upuan ko, sino ba namang hindi kung may sisigaw ng ganun sa tenga mo.

"T*ngina mo Ken ah!" Singhal ko sa kanya, letse kasi eh.

"Hahaha! Lalim ng iniisip ah. Ano? Nagkabalikan na ba si Trish tsaka yung shota niyang pinaglihi sa paa?"

Tinignan ko na lang siya ng masama tsaka napatingin sa pwesto ni Belle. Baka naman kasi natakot sa ul*l na to.

"Hoy! Asan yung kasama ko?!"

"Sinong kasama? Si Trish?! P*ta naman Cloud! Ayan ka----"

"Pakyu ka! Si Belle! Yung maputi na medyo maliit? Basta yung nakaupo dun." Pagdedescribe ko kay Belle.

"Ahh. Yung hot na mukhang angel?! Ayun lumabas na. Teka kasama mo yun? Paki---" Hindi ko na pinatapos tong ul*l na to at lumabas na ako. Hanapin ko muna si Belle, maraming g*go sa mundo ngayon, tulad na lang ni Ken.

San naman kasi pupunta yun? Ni hindi man lang nagpaalam sa akin oh. Brat talaga.

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon