Chapter 31

135 4 0
                                    

Lou's POV

Ohmaygash. 

I'm dead. 

Bakit ba naman kasi, di ko kayang tumanggi sa request ni Miloves? Why? I'm so DOOMED. 

"Ah, Miloves, please, please naman oh, wag kang ganyan." She glared at me. Scary.

"Move it!"

I just gave up. Umalis na talaga ako sa mat at umupo sa bench. I am here imagining how will I die later. Kuya Roi + Cloud's wrath = THE DEATH OF ME. Huhuhu. 

It hasn't been a week since Miloves was released from the hospital and here we are at the gymnasium...practising her PERFORMANCE for the upcoming anniversary party of the pep squad. Why am I so madaldal like that? Nasabi ko tuloy sa kanya yun?

Her body is all around the stage T___T And I believe mine will be all around the water later.

My goodness gracious!

Why does she need to do all that terrifying stunts?! WHY?! Nagpapakamatay ba si Miloves? Tell me! Huhu. I cannot, cannot, cannot watch it. Baka atakihin ako sa kanya.

I just don't know what's with Miloves? She's so energetic pa rin kahit kalalabas pa lang niya sa ospital and to think na she was almost on the edge. Well, okay, I get it. She's so inlurveeee with dancing. Kidding. She's so fcking inluuurve with Cloud. Kahit ilang beses ko pa sabihin sa kanya na hindi niya kailangang magpanggap para kay Cloud, makulit eh. Hindi ko nga alam kung nagpapanggap pa siyang malakas ngayon para kay Cloud o para sa sarili niya. 

Baliktad eh, kung yung iba, nagpapanggap na mahina para hindi sila iwan ng taong mahal nila, siya naman nagpapanggap na malakas para sa taong mahal niya. 

Kaya ako, ayokong mainlove.

Anong tawag kay Den Chua, aber?

PANTASYA.

Pag sinabing pantasya...nawawala sa isang kisap mata. Parang ngayon, habang pinapantasya ko si Den sakto na tumawag si Kuya Roi. Isa siyang hadlang sa mga pantasya ko. 

"Hello Kuya?"

Of course, I need to answer sweetly kaso walang epek kay Kuya Roi.

"WHERE ARE YOU? ALAM KONG KASAMA MO SI BELLE! WAG MONG HINTAYING MAKA-20 WORDS AKO LOUIE---"

"Campus Kuya, sa may gym," Huhuness. Galit si Kuya. Buong pangalan ang tawag sa akin eh. Sorry na Kuya Roi. Huhu.

Di na niya ako hinintay maggoodbye. Pinatayan ako ng phone. Patay tayong dalawa Miloves, lalo na ako kasi sinamahan kita T___T

Para akong bulateng naasinan sa labas ng gymnasium. Eh pano naman kasi. Natatakot ako. Shet.

Galit ni Miloves + galit ni Kuya Roi + wrath ni Cloud = DEADMEATME 

I just closed my eyes nung tumigil yung kotse ni Kuya Roi sa harap ko. Sa bango ni Kuya Roi alam kong nilagpasan niya na lang ako at dumiretso sa loob. Wala akong narinig na kahit ano kung hindi footsteps ng dalawang tao, yung isa mabigat, yung isa galit. Siguro naman alam niyo na kung kanino yun di ba?

"Let's go." Yun lang ang sinabi ni Kuya Roi pero mabilis naman akong sumakay sa passenger's seat at nagseatbelt. Ewan ko ka ba kay Kuya Roi, nakakatakot siya lalo kapag low voice ang gamit niya. Parang anytime sasabog siya. 

Tahimik yung buong byahe namin. Syempre pareho kami ni Miloves na guilty sa ginawa namin. Pero tahimik siya dahil napagod siya sa pagsasayaw na ginawa niya. Three blocks bago ang bahay binagalan ni Kuya Roi yung takbo.

"Arabelle, next time, think about your actions. If there's still next time. Think about the reason why you're fighting...think about it. If anything happens...blame yourself!"

Starting Over The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon