Chapter 30
“If you wanna see her, you can,” I told Enzo. Halata naman na gusto niyang makita si Lablab. Kahit na may brace pa rin ang paa niya he managed to go here. Hindi naman ako selfish dahil alam kong hindi naman siya gugustuhing makasama ni Lablab. “She’s asleep. Don’t worry.”
Matagal bago siya sumagot. Siguro iniisip niya kung gaano ako kagago para payagan siyang makita yung babaeng mahal naming dalawa. Hindi naman importante sa akin yun eh, mas importante kung sino yung mahal ni Lablab, at ako yun.
“You should hate me.”
Umiling ako na may kasamanang ngiti. “She hates you enough.”
Hindi ako mabuting tao pero alam ko naman ang ibig sabihin ng salitang awa. Lablab hates him enough for me to hate him. Kawawa naman siya. At sa totoo lang, wala naman akong sama ng loob kay Enzo. We even became friends, kahit na sandali lang. Ang tanging mali lang niya, naging weak siya. Siguro dahil sa nakukuha niya lahat ng gusto dahil iaabot na lang sa kanya. He didn’t know what is like to go for something you really like…chase it as if your life depended on it.
I didn’t get any answer but a look to tell me to help him get up so he can see Arabelle, my Lablab.
On our way to Lablab’s room, hindi na kami nag-usap. Wala na naman kaming dapat pag-usapan. Yung kamao naming pwede pang mag-usap.
Kung makikita lang kami nila Peter, alam kong maiinis sila dahil sa kagaguhan na naman tong ginagawa ko. Biruin mo, yung halos kapatayan mo inaalalayan mong makalakad. Gago lang ang nakakagawa niyan.
“You really amaze me. Nakakaya mo siyang panuorin maging….ganyan…”
Natawa ako sa kanya. What a stupid question. Ambobo eh. Hindi tv show si Lablab para panuorin ko, mahal ko yan kaya sinasamahan ko.
“Mas mabilib ka sa kanya because she’s strong. She makes me watch her go through everything. She smiles though she’s in pain. She still worries about me. Pinapakilig pa rin niya ako kahit---”
“This is bullshit! Hindi pa ba sapat na ikaw yung mahal niya? Bakit kailangan mo pang ipamukha sa akin lahat yan? Baka hindi mo alam Cloud, may puso din ako. Durog na durog na. Sobra.” Sa bawat bitiw niya ng salita may diin at kasamang galit at inggit. Siguro kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon nagbubugbugan na naman kami.
“Buti ka pa durog na. Yung sa akin, nasa kanya….”
“Hindi niya gusto yung mga lalaking sobra magmahal pero bakit mahal ka niya?” tanong niya ng may kasamang patak ng luha. Umiiyak din pala si Enzo.
Lumapit siya kay Lablab at hinawakan ang pisngi ni Lablab. “Gusto ko siyang alagaan. For a girl like her, there is no other treatment for her but a princess. This is why I hate you Cloud, you’re treating her as your girlfriend only….”
“Because she is my girlfriend. Yun yung mali sayo Enzo, sobra mo siyang mahal na akala mo dapat pinagsisilbihan mo siya. She doesn’t like it. She simply wants to love and be loved in return.”
“Arabelle defines a spoiled brat rich kid.”
“I agree.” I smiled at lumapit sa kama ni Lablab. “Yun ang tingin ko sa kanya una pa lang. She will really be a spoiled brat in your eyes if you will not understand her. Kagaya mo may puso din siya, nasasaktan at kapag nasasaktan umiiyak.”
“Di ba sabi ko wag mo siyang paiiyakin?!” He said in a low voice. Halata sa tono ng pananalita niya yung inis at galit. Minsan din hindi ko maintindihan tong si Enzo. “Aalis na ako, baka dumating na sila.”
Hinayaan ko na siyang maglakad mag-isa, malapit lang naman yung elevator. At nararamdaman ko kailangan niyang ilabas lahat ng emosyon niya. Tsaka baka magbugbugan ulit kami -__- Mahirap na.
BINABASA MO ANG
Starting Over The End
Teen FictionAfter a couple started their journey to a lifetime, two different individuals shed tears. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga taong nagpaparaya ay magpaparaya. Darating at darating din ang taong inilaan para saktan at paibigin sila. Marami ang tut...