Chapter 4
"Cloud...sino ba talaga siya?" Tanong ni Trish sa akin. Nakapark lang kami sa gilid ng playground sa subdivision nila. Ayaw pa daw umuwi eh.
"Si Belle...gaya ng sabi niya...hindi kami friends. Basta magkakilala kami. Weird noh?" Tumango naman siya. "Trish, sorry for that. Kamusta ka na?!"
Tumingin siya sa akin tas ngumite, a bitter one. "You know what? Pinagsisisihan kong mas pinili ko siya."
"You're just saying that kasi may problema kayo," nakangiti kong sinabi sa kanya. Totoo naman di ba?! Pag nagkaproblema sa isang bagay na pinili natin, sasabihin natin na sana yung isa na lang. Ano yun? Lokohan? Kaya nga natin pinili yung isa dahil mas matimbang yun di ba?! Wala naman perpekto sa mundo eh. Masyado lang tayong nadadala ng emosyon natin.
"Ewan ko. Ang gulo eh. He's such a flirt and a damn assh*le. Ang g*go niya! Gin*go niya ako. Mahal na mahal ko pa naman siya." I know you love him. Kaya nga hindi tayo eh. "I caught him....them...he and my bestfriend...they're d*mn kissing!!! Ang sakit!! Yeah, yeah!!! I know! I don't know what the reason behind that kiss pero ang sakit eh." Inabutan ko siya ng tissue, tuloy tuloy lang kasi yung agos ng luha niya.
"Trish...try to listen their side..." Ngumiti lang siya tas tinitigan ako. I know I'm handsome, Trish.
"Cloud.......help me....."
Sino ba naman ako para tumanggi?! Masyadong marupok ang puso ko kay Trish. And for the second time around, I'm her rebound. I don't mind it. I love Trish. Nalaman din nila Ken at Peter, galit sila. Nagpapakatanga na naman daw ako. Eh mahal ko eh. F*ck that! Nasapak nga ako ni Peter eh, eh bakit ba?! Ganun naman yun eh. Si Brix lang nakakaintindi sa akin, pero galit din siya. Tsssh. Labo.
Kahit na out of way si Trish, hatid sundo ko siya. Halos kami na ulit ang magkasama. Pero nasa school ako ngayon, may meeting daw sa basketball, magququit na nga ako eh. Ayaw ko na. Si Trish muna aasikasuhin ko ngayon. Kailangan ako ni Trish eh.
"Sigurado ka na?!" Tanong ng team. Munggago lang, ni hindi man lang ako nakaabot ng isang game.
"Oo. Thanks!"
Tas umalis na ako, di ako kinibo ni Enzo. Naasar siguro. Hayaan na nga. Lahat naman sila naasar sa akin eh. Bayaan na natin, ganun talaga. You can't please everybody dre.
I know they are f*cking concern, but what can I do?! I still care for Trish. Alam ko, ako lang ang masasandalan niya ngayon.
Nagkasalubong kami ni Belle sa may circle. "Stupid masochist," bulong niya. Eh ano bang paki niya?! Pareho lang naman kami ah.
Pinuntahan ko na si Trish nagtext na eh. Pupunta kami ngayon sa mall, nagpapasama. Bibili daw siya ng libro para sa isang subject. Sinearch ko na yung book na yun at mahirap talaga siyang hanapin, buti na lang may isang seller at imimeet na lang namin.
Sa may coffee shop kami magkikita, mahal yung book. Tangina. Mahigit 5k. Mahirap daw kasi hagilapin yung book, sa France pa daw kasi niya nabili yun. Nabasa na daw kasi niya yung book at alam niyang mahirap hagilapin kaya binebenta niya to share.
BINABASA MO ANG
Starting Over The End
Teen FictionAfter a couple started their journey to a lifetime, two different individuals shed tears. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga taong nagpaparaya ay magpaparaya. Darating at darating din ang taong inilaan para saktan at paibigin sila. Marami ang tut...