Chapter 17
Cloud's POV
"....."
Kanina pa ako kwento ng kwento pero yung kinukwentuhan ko, tulog na pala -__-
Bakit ba kasi ang ganda-ganda mo Arabelle? Ang hirap tuloy para sa akin na hindi ka titigan.
At bakit ba kasi mahal na mahal kita? Ang hirap tuloy para sa akin pag hindi kita kasama. Gusto kitang ikulong sa isang lugar malayo sa lahat, yung tipong tayo lang dalawa.
Ngawit na ngawit na ako sa pwesto ko. Paano ba naman, ginawang unan ni Belle yung hita ko habang nakaupo ako, wala akong masandalan. Ginusto ko rin naman eh.
Hawak-hawak niya lang yung kamay ko. Parang batang ayaw bumitiw sa kinakapitan niya.
Bumukas yung pinto, Daddy ni Belle. Kasama kasi Roi at Lou nung pumasok. Nakakatakot tumingin yung Daddy niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa amin, yung isa naman tulog pa.
Tumigil siya sa may gilid ng kama at hinaplos yung ulo ni Belle. Yumuko siya para halikan sa pisngi si Belle, gagalaw sana ako pero pinigilan niya ako. Pagkatapos niyang mahalikan si Belle, "Wag mong gigisingin si Belle. Kailangan niyang magpahinga. Diyan ka na matulog Iho." Ngumiti siya pagkatapos, dun pa lang ako naging komportable sa kanya. "Lou, you sleep at the guest room."
Bago pa siya makalabas tumingin ulit siya kay Belle at ngumiti. A fatherly smile. How I miss my father.
Naalimpungatan si Belle mga bandang 11 pm. Bumangon siya at ginising ako. Nakatulog na rin pala ako.
"Bakit ka nandito?"
"Dito na ako pinatulog ng Daddy mo eh. Ayaw ka kasi niyang ipagising kanina," simpleng sagot ko habang tinitimbang-timbang kung matutulog ako o gigising na.
"What?! Si Daddy mismo nagsabi nun?!" Tumango na lang ako at dumapa, gusto ko lang ipadama sa katawan ko yung lambot ng kama ni Belle. "Nakita tayo ni Daddy?! Oh my gosh!"
"Belle...inaantok ako. Matulog kana ulit please? Kailangan mo daw magpahinga eh. Kahit na hindi ka naman pagod. Sige na...please?" Tinapik ko pa yung kama para sa kanya.
"I can't sleep. I'm just gonna eat and watch Dream High. Just sleep there." Nung narinig ko yung eat nagising yung diwa ko, di pa pala ako kumakain.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko nung inangat yung telepono sa bedside table.
"Papakuha ng pagkain. Duh?"
Binaba ko yung telepono at hinila siya palabas ng kwarto. Gabing-gabi na tas mang-uutos pa? Spoiled brat.
Ang laki ng pantry nila. Parang grocery store. Punong-puno.
"What do you wanna eat?"
"Pancake."
"At this time?"
"Uh-huh. Diyan ka lang tatawagin ko si Ma--"
"No. You're not calling anyone, just sit still and watch." Sinabi ko naman marunong ako ng gawain sa bahay. Pancakes? Coming right up.
"I wanna try cracking an egg too."
"As you say Belle."
"Parang awa mo na Belle, tama na. Ang daming lilinisin eh."
"Damn that egg! You'll see! Last one I promise."
"As you say...basta last na yan."
"See?! I did it!!! Hahahaha. Oh my gosh!!! I can cook a pancake na!!!"
BINABASA MO ANG
Starting Over The End
Teen FictionAfter a couple started their journey to a lifetime, two different individuals shed tears. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga taong nagpaparaya ay magpaparaya. Darating at darating din ang taong inilaan para saktan at paibigin sila. Marami ang tut...