Dedicated to her!! Hello!! Hope you keep on supporting this story!! :D
___________
"Game ka na ba?"
Nginitian niya ako ng pilyo..
Andito kami sa sala niya ngayon.
Magkatabi sa sofa.
Bumili kasi siya ng dalawang malaking bote ng vodka sa 7/11 para i-celebrate ko daw yung birthday ko. Tutal, legal naman daw ako. Bago pa nga ako naging legal tapos gusto na niya ako gumawa ng kasalanan. Bad influence.
Tinignan ko yung plato na may laman.
May slices ng lemon at asin rin dito. Aanhin ba toh?!
Badterp! Hindi ako marunong uminom! I never tried drinking!! Masisira yung atay ko niyan eh!!!
"Huy! Game ka na ba!!? Wag mong sabihing hindi ka umiinom?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Game!! Ako? Hindi umiinom? Come on, Juanito. Pero uhh, ikaw muna mauna." Ibinigay ko sa kanya yung shot glass.
Siya yung pinauna ko kasi titignan ko muna kung pano niya gawin.
"Huy! Wag mo nga akong tawaging Juanito!! Ampanget naman ng endearment mo sakin!!"
"Pake ko kung napapangitan ka?! Endearment daw! Kalbuhin kita dyan eh!! Hindi ka ba nakikilabutan dyan sa sinasabi mo!!? Sige na! Game na!! Tagal."
"Hindi! Basta! Wag mo 'kong tawaging Juanito!! Ampanget eh!"
"Bahala ka!! Sige na! Game na! Daming satsat!" Kinamot ko na ng marahas yung anit ko. Nakakairita eh!!
"Okay." ;) aba! Nag-wink pa ang gagu!
Kumuha siya ng asin at inilagay sa kamay niya.
:6
Yuck! Kadiriiii!
Dinilaan niya ito tsaka uminom ng isang shot.
Pagkatapos niyang inumin yun, kumuha siya ng slice ng lemon at parang sinipisip ito.
"Gaaah!! Your turn!" Binigay niya sakin yung shot glass. Bakas sa mukha niya na nahihirapan siya sa paglunok ng vodka.
Hala! Baka masakit siya sa lalamunan!! Anaknang!!
Nasabi ko na bang isa lang ang gagamitin naming shot glass?
Linagyan niya ng vodka yung shot glass.
Here goes nothing.
Kumuha ako ng asin at dinilaan ito pagkatapos ininom yung vodka.
Gaaaaaaaaahhhh!! Ang sakit sa lalamunan!!
Kumuha ako ng lemon at sinipsip rin ito.
*ubo-ubo*
Napaubo ako sa ininom ko. Ano bang nagustuhan ng mga tao dito sa alak nato?! Ang sakit kaya sa lalamunan.
Hinimas-himas ni John yung likod ko pero siniko ko siya.
"Wag mo'kong hawakan! Ikaw na!" Iniabot ko sa kanya yung baso habang hinahawakan ko pa rin yung leeg ko.
"Kaya mo pa?" Tanong niya.
"Oo!"
Uminom na naman siya.
Ganun lang kami.
Halinhinan sa pag-inom.
(3rd person POV)
Nagsimula na silang malasing.
"Alam mo, Sabby? Isangdaan na yung naging girlfriend ko AT!! Nahalikan ko silang lahat!" Inakbayan niya si Sabra na grogging-groggy na.
Lasing na lasing na talaga si Sabra kahit limang shot lang yung nainom niya.
"Grabe ka pala!! Ako? Isha lang yung naging syota ko! Peshte! Iniwan ako na walang shinashabe!!"
"Grabe naman pala yung boypren mo!! Walanghiya!!"
Hinawakan naman ni Sabra yun pisngi ni John gamit ang isang kamay at hinarap ito sa kanya.
"Mash walanghiya yung gumawa shakin ng kagaguhan! Peshte shiya! Mamatay na shiya!" Dinuro-duro niya yung mukha ni John.
Pagkasabi ni Sabra nun, umiyak at humagulgol na siya. Naaalala niya kasi yung nangyare sa kanya noon.
Niyakap naman siya ni John. Nasubsob si Sabra sa dibdib ni John.
"Shhh! Alam ko namang hindi totoo yung kumakalat na balita eh!!" Sinuklay-suklay ni John yung buhok ni Sabra. Naawa si John sa kanya. Ramdam niya ang sakit na iniinda ni Sabra.
Tumingala ng unti si Sabra.
"Talaga?"
Inayos ni John sa pag-upo si Sabra.
"Talaga." Paniguradong sagot ni John.
Pagkatapos niyang sabihin yun, napatingin siya sa labi nito.
Grabe, ang pula at ang kissable, sabi niya sa isip niya.
Na-tempt siya kaya hinalikan niya si Sabra ng mariin.
Hindi naman masyadong lasing si John at alam niya pa rin ang ginagawa niya. Gagu kasi siya eh. Na-attract lang talaga siya sa mapupulang labi ni Sabra. Gusto niyang maramdaman ang labi nito sa kanya. Pilyo at may pagka-manyak kasi tong si John, pero wala siyang girlfriend. Flings lang. Tons of flings!!!
Nagulat siya nung tumugon sa mga halik niya si Sabra kaya he made the kiss deeper and deeper.
Kulang nalang magpalitan sila ng kaluluwa nilang dalawa. Ganun yung ginagawa niya sa lahat niyang kahalikan.
"Puta!" He said in between their kisses.
Napaisip siya na hindi niya dapat gawin yun kasi lasing si Sabra.
Ayaw niyang matakot si Sabra sa kanya.
Ayaw niyang maalala ni Sabra ang ginawa ng gagung yon.
Tinignan niya ito at parang mahimbing na na natutulog habang magkalapat pa rin ang mga labi nila.
"Goodnight, Sabby." Inihiga niya ito sa dibdib niya.
Hinimas-himas niya ang likod nito hanggang hindi niya namalayang nakatulog na rin siya.
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Ficción GeneralLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...