Chapter 13

1.9K 12 3
                                    

(John's POV)

Nagising ako dahil ang init pa rin ng pakiramdam ko.

Tatayo na sana ako kasi naiihi ako nang may nakita akong note sa bedside table ko.

Ang nakalagay: HOY, BATUGAN!! EAT THEN DRINK YOUR MEDICINE :P

Batugan daw peroo...

Napangiti ako... teka, sa electric bill na papel toh ah.

Bwisit ka talagang Sabby ka!!

Pinunit niya toh sa electric bill na nakapaskil dun sa ref!!

Aaargh!!

Tamad maghanap ng papel!

Umupo ako tapos may nahulog galing sa noo ko.

Ano toh?

Hala! Nilagyan niya ng bimpo yung noo ko?

Nag-alala siya sakin? Inalagaan niya ako kahit tulog ako?

Wow! Ang sweet niya pala.

Napatingin ako sa pagkain. Mabango kasi.

Steamed broccoli at fried chicken for breakfast?

Advertisement ng Lactum?

Kinain ko nalang kahit ayaw ko ng gulay tsaka ininom yung biogesic na nakalagay dun.

Haaay, Sabby is really not that bad.

Pinilit kong tumayo kahit ang pangit at ang sakit ng pakiramdam ko.

Pumunta ako sa banyo niya at umihi.

Nasa kalagitnaan ako sa pag-iihi ng bumukas bigla yung pinto.

"PUTA KA TALAGANG JOHN KA!! PESTE KA!!"

*blagaaag*. Isinira niya ulit yung pinto.

Nagulat ako kasi bumukas ang pinto at sigurado akong si Sabby yun.

Sorry sa kanya.

Hinubad ko kasi yung shorts ko eh. Hindi na ako nag-abala na buksan ang zipper ko. Hinubad ko talaga yung shorts ko..

Kasalanan niya dahil hindi siya kumakatok.

Swerte nga niya dahil ang nakita niya ay kahawig ng pwet ni Derek Ramsay.

Nakita niya ba yung No Other Woman? Ganun ang pwet ko, maputi lang yung akin kesa kay Derek.

Lumabas na ako sa banyo.

Ayun si Sabby.

NAGBIBIHIS.

Tumalikod ako agad.

"Kyaaaaah!! Ang manyak mo talaga!!"

Pinalo niya yung ulo ko.

"Wala akong nakita. Bra mo lang." Sabay hawak sa ulo kong pinalo niya ng tsinelas.

At dahil sa sinabi ko, pinalo pa niya ako ng damit niya.

Sakit nun ah. Natamaan pa yung mata ko.

Ipinitik ba naman sakin yung manipis niyang sando.

Nagtutubig tuloy ang isang mata ko.

Alam nioy ang nangyare?

Pag-angat niya kasi ng blouse niya, sakto namang lumabas ako sa banyo.

Kasalanan ko na naman?

Kasalanan niya dahil hindi siya kumatok sa banyo!! Bahala kayo mag-analyze sa sinabi ko!

"Pwede na ako lumingon?"

"Pede na!" Galit na sigaw niya.

Wow, ang sexy niyang tignan. Nakapusod kasi yung buhok niya pero gulo-gulo yung itsura.

I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon