Chapter 18

1.8K 26 8
                                    

LONG A/N: HAPPY 5k READS sa'ting lahat!!! Oo, pati readers kasali dahil walang "I'M HIS HOUSEMATE" kung wala rin kayo. Echos! Ang drama! Isa lang yung masasabi ko. THANKS. Salamat talaga. Ahuhuhu! Though maraming silent readers, okay lang iyon sakin. Diba sabi ko iisa lang yung masasabi ko? Haha. Marami pala. Words aren't enough to express my overwhelming feelings right now, you know? Okay, yun lang. Ang taas na eh. Nyuh~

By the way, dedicated sa kanya. Grabe lang ha, nag-comment siya sa halos lahat ng chapters. NAKAKAKILIG!! ♥

__________

"Nakita mo yung pag-shoot ko kanina, Sabby?" Masaya niyang sabi.

Andito kami ngayon sa sasakyan niya.

Sabay daw kami umuwi.

"Hey, Sabby? Hindi ka ba masaya na nanalo ang school natin?"

"Bat naman ako sasaya eh practice game lang yun!!"

"Hoy! Ang hirap kaya nilang talunin."

Hinarap ko siya. Nakatuon lang siya sa daan.

"John, wala akong pake sa basketball na yan. Tig-cheer lang ako pero hindi ibig-sabihin na kailangan ko talaga dibdibin ang pag-cheer ko sa inyo."

Itnigil niya naman ang sasakyan sa tabi ng daan.

Hinarap niya ako na parang may pag-aalinlangan sa mukha niya.

"Bakit ba ganyan ka, Sabby?" Napaka-hinahon ng pagkakasabi niya nun.

"Anong bakit ako ganto?!" Inis na sabi ko. Nakakabanas na eh!!

"Bakit parang malungkot ka na nanalo kami?" Parang ang lungkot talaga ng mukha niya. Pero, pake ko?! Luging-lugi yung pakiramdam ko ngayon! Ninakawan niya ako ng halik!

"Feeling mo magiging masaya ako na hinalikan mo ako sa harap ng maraming tao?! Hindi na nga maganda yung reputasyon ko, lalo mo pang sinira."

Napatigil naman siya sa sinabi ko.

"Gusto ko lang naman maging masaya ka eh."

"Kung masaya ako, tumatawa na sana ako ngayon pero andito ako, galit na galit." Sabi ko habang nakatingin na sa daan.

"Sorry." Yumuko siya na parang ang lungkot.

Hinawakan ko yung kamay niya.

Napatingin naman siya agad sakin.

"John, wag mo muna akong bwisitin ngayon. Ang rami na ng iniisip ko. Ang sakit pa ng ulo ko."

Hinawakan niya naman ng mahigpit yung kamay ko. Ngumiti siya. Alam kong ngiting pilit lang yun. Nasaktan ko ata siya. Palagi ko nalang siyang nasasaktan. Nararamdaman ko iyon.

"Sige, matulog ka muna dyan." Pi-nat niya yung ulo ko tsaka siya nagmaneho uli. Damang-dama mo sa boses niya ang pagkadismaya. Pero... Saan siya nadismaya? Puta!

Ipinikit ko nalang yung mata ko. Inaantok talaga ako ngayon.

Naalimpinagtan ako dahil may nararamdaman akong humihinga sa leeg ko.

"Sabby, gumising ka muna."

Hinahawi ko yung kamay niya na tumatapik sa pisngi ko.

"Sabby, sige na. Wakey wakey!!"

"Bwisit ka Jooooohn." Antok na sabi ko.

"HAHAHA."

Iminulat ko nalang yung mata ko.

"Saan tayo?" Sabay kamot sa mata ko.

Wala kami sa condominium eh.

"Andito tayo sa resto ng pinsan ko." Lumabas siya at binuksan yung pinto ko.

I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon