Chapter 4

2.5K 20 2
                                    

Enjooooyyy!!

________

"Hoy, Sabby! Dahil magsasama tayo dito, dapat may rules din."

Tinigilan ko ang pag-aayos sa lamesa. Kakain na kasi kami.

Mga 10 na ngayon.

Ngayon lang kami kakain kasi masakit pa daw yung tyan niya sa ginawa ko.

"Kung maka-hoy ka naman dyan! Sabby? kelan pa ako naging Sabby? Tsaka anong rules?! Hindi naman ako magtatagal dito eh!"

Pero hindi siya nakinig sa sinabi ko at umupo sa lamesa. Hindi sa upuan ha? Sa lamesa mismo.

"Rule #1! Bawal magdala ng lalake sa unit ko."

Ba't naman ako magdadala ng lalake dito?!

"Rule #2! Ikaw maghuhugas ng plato,tagaluto, at tagalinis.."

No probs.

"Rule #3! Bawal kang makipag-relasyon habang dito ka pa nakatira."

"Tapos ka na? May rules ka pa pang nalalaman eh kahit hindi mo yan sabihin sakin, gagawin ko rin naman! Umalis ka nga dyan!"

Hinila ko siya pababa sa lamesa pero na-out of balance ako at nahila ko siya sa pagkatumba ko.

Nasa ibabaw ko siya at take note! Walan siyang shirt kaya feel na feel ko yung mga bato niya sa katawan.

"Wow, mas maganda ka pala pag ako ang nasa ibabaw mo." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"KYAAAAAAAH!!!" 

Sinuntok ko siya sa mukha.

Napaupo siya sa ginawa ko.

"Aaah! Shit! Stop being barbaric, Sabby!!"

Umayos na rin ako at umupo.

"Kasalanan mo eh!" Tinusok ko yung dibdib niya.

Tumayo siya at iniabot yung kamay niya sakin.

"Sorry. Ikaw kasi eh." 

Umupo siya sa counter ng kusina.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung pisngi nyang nasuntok ko.

"Aray, ang sakit talaga. Dito oh! Hawakan mo rin toh."

Hinawakan ko naman yung tinuro niya.

"Sorry na nga eh. Ang kulet."

"Ito rin oh. Ang sakit!" Tinuro niya yung labi niya.

Ngayon ko lang napansin na nakahawak na pala siya sa bewang ko. Aba!

"Hmmm!" Pinisil ko yung sinuntok ko. Namumuro na kasi eh.

"Aaaaraaaay!!"

"Alam mo! Ang manyak mo! Feeling close ka eh. Ewan ko ba kung bakit ako sumama sayo eh hindi naman kita kilala."

Lumayo ako ng unti sa kanya.

Hinahawakan niya pa rin ang pisngi niya.

"Kilala mo na ako. Ako nga si John eh."

"Tumigil ka nga!" Sinipa ko yung hita niya.

At dahil wala akong choice, tinulungan ko siya.

Pinaupo ko siya sa sofa at kumuha ako ng yelo sa ref niya.

"Umayos ka."

Inayos niya naman yung pwesto niya at hinarap ako.

Sinimulan ko nang ilapat yung ice pack sa kanya.

"Alam mo? Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila." 

Napatigil ako sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Yung pakikipag-relasyon mo sa ~~~" 

Hindi ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin at tinakpan ang ng ice pack yung bibig niya.

"Wag na wag mong babanggitin yun."

Tumayo na ako.

"Sige, matutulog na ako." Walang gana kong sabi sa kanya.

----------

I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon