Dedicated kay @rhona_girl. Ang cool niya eh! Hahaha!! Thank you sa support!! :*
______________
(John's POV)
Nagising ako dahil ang ginaw ng pakiramdam ko.
Kinapa-kapa ko yung remote control ng aircon.
In-off ko toh.
Ahh! Ang ginaw talaga!!
Ano na bang oras?
Minulat ko yung isang mata ko.
Tsk! 4:00am pa!
Hinawakan ko yung leeg ko.
Puta! May lagnat ako.
Ang sakit pa ng katawan ko.
Dahil siguro toh sa pinag-gagagawa ko kahapon.
Yun kasi si Franchesca, nagyaya na mag make-out daw kami.
Yes nalang, kawawa naman pag tatanggihan ko siya. Diba? Ano pa ba ang purpose ng mga labi ko kung walang makikinabang.
Tsaka, mag-offer ba naman sayo ang miss Intrams tatanggihan mo ba?
Ang hot niya kaya.
Galing pa kami nun sa swimming class at hinila niya na ako agad kahit hindi pa ako nakapagpalit.
Ang sakit lang ng ginawa niya sakin ha. Kulang nalang, punitin niya yung labi ko kaya ako nalang humalik sa kanya. Kinagat-kagat ko yung leeg niya para patas kami. Dumugo rin yung labi ko dahil sa ginawa niya eh. Masakit.
Tinignan ko yung tabi ko.
Wala na si Sabby sa dibdib ko at teka, nakakumot sakin yung comforter sa kwarto ko. Tsaka parang may malambot sa ulo ko. Kinapa ko yun. Nilagyan niya rin ako ng unan.
Napapangiti ako sa isip ko. Mabait din pala yung bwisit na yun.
Baka napapalambot ko na yung puso niya? Acheche!!
Tumayo ako ng pilit habang nakapulupot sakin yung comforter. Ang ginaw talaga. Ang liliit ng hakbang ko. Ang sakit talaga ng buong katawan ko. Diba ganto yung flu?
Grrrrr. Nanginginig ako sa lamig.
Di ko na talaga kaya.
Pumunta ako sa kwarto ko.
Ayun, si Sabby ang himbing ng tulog. Yakap-yakap niya yung mga hita niya. Parang nagiginawan siya kasi ibinigay niya sakin yung comforter niya.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero pakiramdam ko, dumire-diretso ang pagtulog ko nung ipinikit ko yung mata ko dahil sa "ano" ni Sabby. At least hindi ako nagkasala. Prevention is better than cure parin. Ahihihi.
Lumapit ako sa kanya.
Sorry, Sabby. Peroo....
I need body heat!!
Walang halong kaberdehan, Sabby!! Promise!! Ngayon lang toh.
Tumabi ako sa kanya.
Nakatalikod siya sakin.
Niyakap ko siya.
Pati yung hita ko, niyakap ko sa kanya.
Ahh! This is much better.
BODY HEAT! BODY HEAT!
Ibinalik ko yung comforter at kinumot ito saming dalawa.
Umupo ako ng bahagya at tinanaw yung mukha niya.
"Goodnight, Sabby." I kissed her on the cheeks. Gusto ko lang. Ang amo kasi ng mukha niya kapag natutulog.
------------
(Sabra's POV)
Bakit parang ang sikip ng pakiramdam ko ngayon?
Ang bigat ng pakiramdam ko.
Tatayo na sana ako para magluto ng breakfast namin pero napahiga ako ulit.
LANGYA KA TALAGA, JOOOOHNNNNN!!!
Nakayakap pala siya sakin tapos yung worst pa eh nung pagtayo ko, gumalaw yung kamay niya at aksidenteng nahawakan ang dibdib ko.
Susuntukin ko na sana siya para tulog siya at may napapansin ako.
Nanginginig siya at ang pula ng mukha niya.
Hinawakan ko yung noo niya.
May lagnat siya.
Bwisit! Pasalamat kang gagu ka!
Tumayo ako pero kinuha ko muna yung kamay at hita niya na nakayakap sakin.
Pumunta ako sa cabinet niya para maghanap ng bimpo.
Ayun! Kulay pink.
Binasa ko ito ng malamig na tubig at inilagay sa noo niya.
Buti nga at nagkasakit siya! Ang halay niya kasi kahapon!! Hindi man lang nagpalit bago makipag-lampungan.
Nagluto muna ako ng breakfast bago umalis.
Hindi na ako papasok ng klase. Ipa-pass ko lang tong assignment ko at babalik agad.
May alagain kasi ako dito eh. Amf!!
------
"Good morning, sir. Uhmm, I'm just going to pass this, sir. I'm not going to join your class today." Inilagay ko sa table niya yung mga papel.
"Why, miss Sabra?" Magalang ang teacher ko.
"There's an emergency. I'm really sorry sir but I have to go."
Hindi ko na siya pinasagot dahil lumabas agad ako.
Buti nagkasakit yung isa para may reason ako na hindi pumasok sa klase niya. Amboring lang eh. Talambuhay niya ang lesson araw-araw.
Bwiset!
"Sabra!!"
Tinignan ko kung sino ang tumawag. Si H.
"Ano?! Nagmamadali ako."
"Nabasa mo ba yung note ko?"
"Oo, hindi ako natuwa dahil kailangan ko pa i-rewrite lahat ng ginawa mo."
"S-sorry, uhmm. Payag ka?"
Ang kulet rin ng lalakeng toh eh.
Lumapit ako sa kanya.
"Anong ibig sabihin nun?!" Hindi maipinta yung mukha niya. Gulat na gulat siya.
"Wag mo na akong lapitan ang ibig sabihin nun. Bye."
OA naman ng reaction nun! Hinalikan ko lang sa pisngi para tumigil eh!!
Yun lang naman yung gusto niya sakin!!
Lalake nga naman!
____________
LONG A/N: Hindi ko na sine-censor yung mga bad words kasi obvious rin naman masyado pag ginawa kong ganto-----> "p*ta" "g*gu "p*ste" "sh*t" "f*ck" dibadibs?? Kung ayaw mo naman sa bad words dito, wag mo nalang ipagpatuloy basahin dahil tinitiyak ko sayo na marami pang nakaabang na mga murahan sa storyang ito. Kaya nga PG-13 siya eh. ^3^v
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Genel KurguLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...