Chapter 25

3K 87 5
                                    


Jessa's POV





Isang oras din ang naipahinga ko.

Bumangon ako sa kama para ayusin ang sarili ko. Napatingin ako sa salamin. Happy thoughts, happy thoughts...

Bakit si Bryle pa rin ang naiisip ko?

"Jessa, ikakasal na sila. Kalimutan mo na sya."

Paulit ulit kong binubulong sa sarili ko para matauhan naman ako.

Lumaban? Pano ko sya ipaglalaban eh wala naman akong karapatan? Nung umpisa parang gusto ko syang yakapin ng mahigpit at sabihing wag syang umalis, wag nya akong iiwan. Pero hindi ko nagawa. Kasi sa pagkakataong yun, pag mamay ari na talaga sya ng iba.

Wala akong karapatang pigilan ang kasal nila. Pareho silang mayaman at nagmula sa maayos na pamilya. Sino banaman ako para pigilan ang kasal nila?

Inipit ko ang buhok ko at inayos ang mga gamit na dinala ko kanina...

TEKA?! MAY NAWAWALA...

NAWAWALA ANG BIRTH CERTIFICATE KO! SAN NA NAPUNTA YON?!

Tiningnan ko yung mga folder, pero wala dun. Wala rin sa bag ko. Ano banaman Jessa?! Bat sa dinami dami ng pwedeng mawala yun pang importante?!

Agad akong lumabas ng kwarto para balikan yung dinaanan ko kanina, siguro nalaglag yun nung may nabunggo ako? Tama dun nga siguro.

Hind ko alam kung makikita ko pa ba yun pag balik ko, bahala na.

Pag bukas ko ng gate nagulat ako ng makita ko ang isang matandang lalaki. Pamilyar sya.

Ay! Sya yung nabunggo ko kanina.

"Hija, ikaw ba si Jessabhel Pajanilla?"

"Uhm, opo."

Inabot nya sa akin ang isang envelope.

Binuksan ko ito at nakita ko ang birth certificate at resume ko sa loob. Thanks god.

"Ay naku! Maraming maraming salamat po. Nag aalala nga po ako na baka nawala ko na to eh. Salamat po talaga. Sorry sa abala."

"Wala yun. Ako nga pala ang dapat mag pasalamat sa inyo."

May dinukot sya sa bulsa. Kinuha nya sa wallet nya ang isang lumang litrato at calling card.

"Hija, kaano-ano mo si Eduardo Pajanilla Jr. ?"

"Tatay ko po. Bakit?"

Nagulat yung matanda. Inabot nya sa akin ang isang lumang litrato. Andoon ang picture ng tatay at nanay ko noong kasal nila.

"Nanay at tatay ko po ito ah? Bakit po may picture nila kayo?"

Naiyak bigla yung matanda. Bakit? Anong meron? Anong nangyayari? Bigla nyang inabot sa akin ang calling card nya.

Empire Company

Eduardo Pajanilla Sr.
President

Napatingin ako sa kanya. S-sya ang lolo ko? Bigla nya akong niyakap.

"Apo.."

Niyakap ko rin sya. Hindi ko akalaing may lolo pa pala ako. Hindi ko napigilan ang pag tulo ng mga luha ko sobrang saya ko. Pakiramdam ko panaginip pero hindi. Nahahawakan at nayayakap ko ngayon ang lolo ko.

"Salamat sa Diyos at nahanap na kita."

"Pasok po muna tayo sa loob... Lolo."

Nagtawanan kami. Medyo hindi pa kasi ako sanay na may tinatawag na lolo.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon