Chapter 14

4.1K 156 6
                                    

Tapos na ang flag ceremony.

Sinabi sa akin ni Daryll na magkaklase kami kaya sabay na kaming pumunta sa room namin.

"San ako uupo?" tanong nya.

"Tss.. Dun ka nalang sa tabi ko!" sagot ko

at umupo na sya..

"Bakit ka ba kasi nag transfer dito?! halos patapos na ang school year!!! " -sigaw ko sabay hampas sa kanya. Oo, ganito talaga ako may pagka-brutal ako minsan!

"Aray naman!! gusto  mo talagang malaman?!"- tanong nanaman nya -_-

Tumango nalang ako.

"Kasi, gusto kitang makita" - walang kaabog abog na sagot nya.

Nainis ako kaya binatukan ko ulit sya pero sa pagkakataong ito, mas malakas.

"Ahh!! ano ba?! nakakadalawa ka na!!"-reklamo nya.






Maya-maya pa nagsimula na ang klase.

"Bestie, sino sya??" - tanong ni Cristene.

 "Ah, bago nating kaklase." - sagot ko

"Bakit magkakilala na kayo?" - Cristene.

"Dati kong kaklase" -_- medyo bored ako ngayon kasi math ang subject -_- Mental Abuse To Humans (MATH)







after 1 hour  and 30 minutes...

"Haaaayyyy!! salamat ! recess na!" - Cristene.

"Teka! anong susunod na subject?! "- Tanong ko

"Ahmm.. Technology and Livelihood Education (TLE) kay Ms. Cubillas" - Cristene.

"Ahhh.. teka!? yu-yung Module ko?!! nasan na yung Module ko?!!"-sigaw ko

"Baka nasa locker mo?" - Cristene

"Ah.. Oo nga pala . Sarreh!" - Nga pala lahat ng module namin at mga activity sheets nakalagay sa kanya-kanya naming locker. Umiiral nanaman ang pagiging makakalimutin ko, dapat siguro uminom na ako ng Memory Plus Gold dahil lamang daw ang may gold memory hahaha. Okay corny na.

Bumaba na ako sa hallway para kunin yung module ko, binuksan ko yung locker ko at kinuha ko na yung module ko.

Maya- maya may humampas sa locker ko. Tsk. Si Daryll lang pala!

"Ano ba?!" - sigaw ko. nakakailang kasi ang posisyon namin.

"Samahan mo akong magrecess!" - Daryll

"Hay!! yun lang pala eh! manggugulat ka pa!?" - sabi ko sabay batok sa kanya.

"Aray naman Jessa!! Bibinggo ka na sakin!" - sabi nya. hahaha inis na inis sya!

"Tara na nga magrecess na tayo!" sabi ko.







Papunta na kami ni Daryll sa Canteen ng makasalubong namin sina Bryle at Natasha.

Hayy.. What a small world! Huminto sila sa harap namin, masama ang tingin ni Bryle kay Daryll at ganon din si Natasha sa akin.





"Sino naman sya?!"- tanong sa akin ni Bryle habang tinuturo si Daryll

"Sya ang--" hindi ako nakatapos sa pagsasalita.

"Ako ang bago nyang Boyfriend! Bakit? .. ikaw siguro yung dati nyang boyfriend no?! tsk. Akin na sya ngayon kaya wag ka ng umasa na magkakabalikan pa kayo!" - mayabang na sigaw ni Daryll kay Bryle na para bang aagawin ako nito sa kanya.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon