Inayos ko yung mga pinamili ko. Sinukat ko yung mga damit para tingnan kung bagay ba ito sa akin.
Ang ganda, ngayon lang ako nakapagsuot ng mga ganitong damit. Pakiramdam ko para akong prinsesa.
Naalala ko nanaman yung nakita ko kanina. Hayst.
Humiga na lang ako sa kama para makapagpahinga, nilibot ko ang mga paningin ko sa loob ng kwarto ko. Ang laki talaga at ang ganda.
Dumungaw ako sa bintana para tingnan ang paglubog ng araw. Sana kasabay na lang din ng paglubog ng araw ang pagkawala ng nararamdaman ko para kay Bryle.
Pero hindi ganong kadali ang lahat. Napabuntong hininga na lang ako. Napansin kong may paparating na sasakyan. Ang kotse ng lolo ko.
Lumabas agad ako ng kwarto para salubungin sya.
"Lo, mano po."
Hinawakan ko ang kamay nya at nagmano.
Napansin kong nakahanda na ang hapunan namin. Tinawag na din ng maid si Josh para sabay sabay na kaming kumain.
"Lo, tungkol nga pala sa sinabi nyo sa akin kanina..."
Napatingin sa akin si Lolo na abala sa pagkain.
"Pumapayag na po ako, pumapayag na akong pumunta sa america at mag aral."
"Salamat apo, hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya. Pinapangako ko sayo na hinding hindi mo pagsisisihan ang naging desisyon mo."
Napangiti na lang din ako.
"Lo, kaylan po ang flight ko?"
"Sa isang araw na apo, gusto kong mapabilis ang laha para makabalik ka agad sa araw ng birthday mo. Nga pala, ipapaayos ko na agad yung passport at visa mo para makaalis ka na agad."
AGAD AGAD? Excited na excited si Lolo na palayasin ako ah. HAHAHA. Ang bilis talaga parang last week lang nakilala ko si Lolo tapos ngayon pupunta na agad ako sa ibang bansa? Grabe.
Sabagay, kung ano man ang pinaplano ni lolo, sigurado naman akong para sa ikabubuti ko rin yun.
Tutal wala na din naman akong rason para magstay, wala na si Bryle sa akin. Ikakasal na sya at magkakapamilya. Wala ng dahilan para ipaglaban ko pa sya.
Umakyat na ako sa kwarto para makapagpahinga.
Maya maya, kumatok ang lolo ko sa pinto at agad ko naman itong binuksan.
"Eto nga pala apo, regalo ko sayo."
"Para sa akin po ito?"
Tumango si lolo. Nagulat ako nang iniabot nya sa akin ang isang Samsung Galaxy S6. Tingin ko kumikinang ang mata ko ngayon sa nakikita ko. BWAHAHAHA.
"Salamat po lolo."
"Sige na, magpahinga ka na muna."
Umalis na rin agad si Lolo pagkatapos nyang ibigay sa akin ang bago kong cellphone. Kung sabagay, luma na din naman yung cellphone ko dati.
Inexplore ko muna ang cellphone ko, ang laki talaga nya at ang ganda.
Pinatong ko muna ito sa maliit na lamesa sa gili ng kama at naghinaltay hanggang sa dalawin ako ng antok.
..
"Ma'am nakahanda na po ang breakfast nyo."
Nagising ako nang marinig ko ang boses ng maid.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
أدب المراهقين❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...