Jessa's POV:
Kanina pa ako dito sa loob ng rklm pero hanggang ngayon wala pa rin si Cristene. Napahpasyahan kong lumabas muna ng room. Pumunta ako sa isang mini park sa loob pa rin ng campus. Hayy, ang sarap ng hangin dito. Umupo muna ako sa isang bench nang biglang..
*clap* *clap* *clap*
"Hmm.. Magaling magaling magaling!" nakita ko si Natasha parang kontrabida sa teleserye ang pagpunta nya sa harap ko.
Nagsawalang kibo lang ako hanggang sa umupo na siya sa tabi ko.
"Alam mo, higad ka na nga ahas ka pa. Baka nakakalimutan mong akin si Bryle at hindi sya sa'yo!" - sigaw sa akin ni Natasha
"Kung higad ako, ikaw naman alipunga na nga ulyanin pa. Nakalimutan mo din atang niloko mo sya at naghiwalay kayo!" - sigaw ko. Hindi ako magpapatalo sa kanya.
Paalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang buhok ko.
"Ano ba alipunga bitawan mo ako!" pang aasar ko sa kanya.
"Wag kang assuming! Hindi kayo magtatagal." sabi nya habang hawak hawak pa rin ang buhok ko.
"Haha. Pinapahanga mo ako. Hindi ko alam na may talento pala ang mga tulad mo sa panghuhula. Bakit di ka na lang tumambay sa may simbahan ng Quiapo? Balita ko maraming lalaki don" hanggang saan kaya ang pasensya ng babaeng to. Kaylangan humingi ako kay Bryle ng bonus para dito.
"Ang kapal ng muka mo, unang una di hamak naman na mas maganda ako sayo. Ikalawa, mas bagay kami ni Bryle dahil kami ang magkalevel. At ang ikatlo, alam kong hanggang ngayon ako pa rin ang mahal niya." - sabi ni Natasha. Namemersonal na to ah. Ang sakit nung dulo, oo na! Ikaw na ang mahal at ako na ang hindi.
"Hahaha. Oo maganda ka, Oo mayaman ka, at halos nasa'yo na ang lahat pero hindi nila alam na sa sobrang ganda ng muka mo nabulok na ang ugali mo. At kahit ipagmayabang mo pa sa akin yang kagandahan mo. Wala ring kwenta yan, dahil nasa akin naman ang taong mahal mo" inaasar ko talaga sya. Para naman kahit papano maiganti ko si Bryle sa panlolokong ginawa nya. Nakaka inis na kaya. Ayoko syang saktan kaya bumabawi nalang ako sa salita.
Araaaaaayy! mukhang napikon na sya kaya sinampal nya ako.
"Ito ang tatandaan mo higad, samantalahin mo na ang maliligayang araw nyo ngayon. Dahil bukas makalawa, iiwanan ka rin nya at babalik siya sa akin." sabi nya sabay alis.
Tumagos sa akin yung sinabi niya. Napa upo ako sa bench, natatakot ako sa sinabi nya. Darating ang panahon na magkakaayos na sila ni Bryle tutal ngayon pa lang naman nagseselos na siya, nagana na ang plano at malapit ng matapos ang papel ko sa buhay ni Bryle. Tama naman sya eh. Para talaga sa kanya si Bryle dahil sila ang magkalevel. Panakip butas lang naman ako dito eh. Mahal sya ni Bryle at mahal nya si Bryle. Isa lang akong malaking epal sa kanilang dalawa.
Naiyak na lang ako kapag naiisip ko na mangyayari ang kinatatakutan ko. Na magkakabalikan sila at iiwan na ako ni Bryle. Wala naman kasing kami. Ako lang itong umaasa.
Napansin kong may nag aabot ng panyo sa akin. Si Bryle. Kinuha ko ung panyo at pinunasan ko ang luha ko.
"Kasalanan ba nya?" - tanong ni Bryle.
"Ah, wala to." - tanggi ko. Kahit papano ayoko namang gawing way to para siraan si Natasha sa kanya. Alam kong mahal na mahal nya yun.
"Nakasalubong ko sya. Hindi mo kaylangang magsinungaling." - sabi niya.
Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng kuha ko. Niyakap ako ni Bryle. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Shh. tahan na. Kasalanan ko to. I'm sorry. I'm sorry na pinagpanggap pa kita."
"Hayaan mo pag bumalik na sya sa akin. Hindi mo na to kaylangang gawin."
Ngayon mas narealize ko kung gaano kaimportante sa kanya si Natasha. Napakaswerte niya kay Bryle. Kahit niloko niya na, hinahabol pa rin siya.
--
Bryle's POV:
Hindi ko alam na may evil side pala si Natasha, pero kahit anong gawin ko mahal ko pa rin sya eh. Siya lang ang tinitibok ng puso ko. Kailangan ko siya.
"Dito ka lang." - bulong ni Jessa.
"Oo, dito lang ako."
Parang may kakaiba sa akin ngayon, naaawa siguro ako sa kanya at naguguilty na rin. Ang isang inosenteng katulad nya, nasaktan ng dahil sa akin. Dahil sa mgasarili kong kagustuhan.
Pumunta na kami sa pila dahil malapit na rin ang flag ceremony.
after 15 mins.
umakyat na kami sa mga room namin.
--
Jessa's POV:
"UY! Ano bang nangyari?!" - usisa ni Cristene.
"Sinong may gawa nyan sayo? Bakit namumugto yang mata mo? Sinong nagpaiyak sayo?!" - sunud sunod na tanong ni Cristene.
kaninang kanina nya pa tinatanong sa akin yan pero ndi ko sya sinasagot.. ayokong lumaki pa ang away namin ni Natasha..
"Wala to. Na-napuwing lang ako."
"Heh! Tigilan mo nga ako. Namumugto na nga yang mata mo, medyo sinisipon pa. Kaylan pa dumiretso ba ung alikabok sa ilong mo ?!" - pabirong sabi ni Cristene.
"Kanina.."
"Si Natasha na naman ba?" tanong niya.
Hindi na lang ako sumagot. Ayoko ng lumala pa.
"Nako! Napaka bruha talaga ng babaeng yun. Kontrabida sya sa pagmamahalan ninyo ni Bryle. " - sabi niya.
"Hindi, ako ang kontrabida. At isa pa hindi ako ang mahal ni Bryle kundi si Natasha. Parang hinahadlangan ko silang maging masaya. Bestie, ang sama ko ba?" tanong ko.
"Ano ba bestie? Wag kang magsalita ng ganyan. Wala kang kasalanan. Ang tanging ginawa mo lang naman ay minahal mo si Bryle saka ang makatulong sa kanya." paliwanag ni Cristene.
"Bestie, ang sakit. Nahihirapan na akong mahalin sya, noong una paghanga lang ung nararamdaman ko. Hanggang sa nagpanggap kami, naging dahilan yun para mas lalo akong mahulog sa kanya. Kahit kunyari lang, naging akin sya." - nagpatakan ulit ang mga luha ko.
"Tahan na bestie, nalulungkot ako pag nakikita kitang ganyan. Wag mong sisihin ang sarili mo dahil minahal mo sya. Tandaan mo, hindi kasalanan ang magmahal. Okay? " sabi ni Cristene.
Tumango nalang ako. Maya maya pa ay dumating na si Mr. Latorre at nagsimula na ang klase.
___
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...