Chapter 24

2.8K 72 3
                                    

KINABUKASAN




Nagising ako sa malakas na katok na nanggagaling sa gate namin. Sino ba to? Umagang umaga kung makakatok parang wala ng bukas.

Agad akong bumaba para tingnan kung sino yon. Sinilip ko muna si Bryle sa kabilang kwarto para tingnan kung gising na sya. Pero mahimbing pa rin ang tulog niya. Siguro napagod sya. Wag kayong mag isip ng kung ano. Walang nanyari kagabi. Hahahahah

Binuksan ko ang gate at nakita ko si Natasha.

"Oh? Ano namang masamang hangin ang nagdala sayo dito?" - tanong ko sa kanya.

"Alam kong nandito si Bryle. Tinatago mo sya. Ilabas mo si Bryle, Jessa!"

"Hindi ko siya itinatago. Siya ang kusang pumunta dito. Pwede ba tigilan mo na kami, wag mo na kaming guluhin. Hindi mo na maagaw si Bryle sa akin. Dati wala akong magawa, pero ngayon ipaglalaban ko na sya."

"Oh really? Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sakin yan. Eh sa umpisa pa lang naman akin na talaga si Bryle. Diba ginamit ka lang naman nya?"



Dahan dahan syang lumapit sa akin. At saka bumulong.

"Para ka lang isang basahan Jessa, pagkatapos gamitin pwede ng itapon. Isa kang assumerang hampaslupa na nagaasam makabingwit ng isamg matabang isda."

"Kung wala ka din namang magandang sasabihin, lumayas ka na sa pamamahay ko." - sabi ko sa kanya.

"Well, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko kasama ang fiance ko!" - sigaw nya sa akin.


Natigilan ako sa sinabi nya, naramdamam ko na lang na bigla syang pumasok sa loob. Hinablot ko ang braso nya at iniharap sya sa akin.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo!" - sigaw ko.

"Bingi ka ba? Sabi ko nandito sa loob ng bahay mo ang fiance ko." - pambabara nya.

"Ikaw pala ang assumera eh, kahit kaylan hindi papasayo si Bryle dahil ako lang ang mahal nya." - pang aasar ko.

"Talaga lang ah? Bat di sya ang tanungin mo para maniwala ka?"




Pumasok kami sa loob ng bahay kunatok ako sa pinto para magisimg si Bryle. Paglabas nya ng pinto nagulat sya nang makita nya si Natasha.

"Hi Honey~" - bati ni Natasha.

"Anong ginagawa mo dito? Get out!" - sigaw ni Bryle.

"Totoo bang magpapakasal na kayo?" - tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malayo.

Binaling sa akin ni Bryle ang tingin nya.

"TOTOO BA?!" - tinitigan ko sya.

Nanlalabo na ang paningin ko, naiiyak ako. Pakiramdam ko nanlalambot ako.

"Tell her, Bryle!" - sabi ni Natasha.

"Totoong ikakasal na kami pero--"




Hindi ko na sya pinatapos magsalita, sinampal ko sya gamit ang kamay kong kaninang kanina pa naggigigil sa pagmumuka nya.

"Manloloko ka Bryle! Ang tanga ko para magpaloko sayo. Naniwala akong mahal mo ako, naniwala ako sa lahat ng mga kasinungalingan mo. Masaya ba? Masaya bang paglaruan ang feelings ko? Minahal kita Bryle. Minahal kita! Bakit mo to ginawa sa akin?!"

Hinampas ko sya habang patuloy ang pag sigaw ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka magising ang kapatid ko.

"Lumayas ka na."

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon