Chapter 32

3.4K 73 1
                                    

Jessa's POV







Nagreready na kaming lahat para mamaya, dumating kanina yung mga taong magaayos ng bahay namin para sa birthday ko. Oo, dito bahay namin gaganapin ang event mamaya. 6:00 PM onwards ang simula ng party kaya magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko.

"Jess, pumasok ka na dun sa kwarto mo para maayos na nagin yang buhok mo." - sabi sa akin ni Carla.

Sabi niya sa akin kanina kinuha daw ni Lolo ang pinakamagaling na make up artist dito sa Pilipinas para sa akin.

"Jessa, isuot mo na itong gown mo." - sabi niya dala ang isang malaking kahon.


Binuksan ni Carla yung kahon at nakita ko yung gown na ginawa ni Shiela para sa akin. Kung idedescribe ko ito it's simple but elegant.

Pumunt ako dun sa sulok para isuot ang gown ko. Maganda naman yung pagkakafit. I like it.

"Jess, you look absolutely perfect!" - puri sa akin ni Carla.

Umupo na ako para masimulan na nila ang pagmamake up sa akin. And after almost 20 minutes they're done.

Tapos na ang hair and make up ko. Sumilip muna ako sa bintana para tingnan ang mga nangyayari sa baba. Unti unti ng nagdadatingan ang mga bisita. Napatingin ako sa orasan.

5:45 . Magsisimula na ang party in 15 minutes. Sobrang kinakabahan ako.


"Oh Jess, okay ka lang ba? Ang lamig ng kamay mo." - sabi ni Carla habang hawak ang mga kamay ko.

"Kinakabahan kasi ako."

"Kaya mo yan, tanggalin mo yung kaba at mag enjoy ka lang, okay?"


Tumango na lang ako. Maya maya ay napansin ko si Lolo na papalapit sa amin.

"Jessa, hija, c'mon?"


Humawak ako sa kamay ni Lolo at pumunta na kami sa labas, pero naiwan muna ako sa backstage at si Lolo muna ang umakyat sa entablado.

Oo, nag set up sila ng stage sa labas ng bahay namin. Malawak naman kasi yung bakuran namin kaya kasya lahat.



"Ladies and gentlemen, I'm glad that you're all here to celebrate this very special moment with us. I know you've already seen her in our billboard and magazines. So I let me introduce to you, my very beautiful grand daughter. Our Empire Princess, Jessabhel Pajanilla." - ang mahabang pasakalye ni Lolo.





Narinig ko ang palakpakan nila mula sa likod. May isang staff na umalalay sa akin sa pag akyat ko sa stage.

Halos masilaw ako sa sunod sunod na flash ng mga camera sa harap ng stage. Napakaraming tao, hindi ko kilala yung iba. Siguro katrabaho ni Lolo . Pakiramdam ko isa akong artista na umattend sa isang red carpet event. Maya-maya pa ay inoffer sa akin ni Lolo ang mic.


Kinakabahan ako dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko para masatisfy ang mga bisita.

"Good evening everyone. I'm glad that all of you came here for my birthday party. I just came home from America, to celebrate my birthday here in the Philippines. I feel very blessed 'coz actually, I didn't expect that I'm the Empire President's grand daughter. All of this happened because of God's plan. I'm just so happy. Everyone, let's enjoy ourselves. Thank you for coming."


Nagpalakpakan ang lahat matapos ang speech ko. Tama si Carla, dapat tanggalin ko muna ang kaba.











**











OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon