Chapter 18

3.5K 89 0
                                    

Natasha's POV:

Nandito na ako sa labas ng bahay nina Bryle at pasakay na ng kotse.

Tapos na kay Bryle, pupuntahan ko naman si Jessa.

Pagkatapos ng 5 minutong pagmamaneho, nandito na ako sa tapat ng bahay nya.

Kumatok ako at agad nya naman akong pinagbuksan.

"Na-natasha? A-anong ginagawa mo dito?"

*Pakkk~~~

Agad ko syang sinampal.

"Ang kapal naman ng muka mo, hindi ka na nahiya! Pumapatol ka sa boyfriend ng iba at take note, MAY BOYFRIEND KA NA!" - sigaw ko sa kanya.

"Haa? Ano bang sinasabi mo? Wag ka ngang mag-iskandalo nakakahiya sa mga kapitbahay." - pa-inosente nyang sagot.

"Oh com'on. Nakakahiya? Alam mo pala yung salitang yun eh! Kung talagang may hiya ka, LAYUAN MO ANG BOYFRIEND KO!" - sinigawan ko syang muli bago ako tuluyang umalis.

Sumakay ako sa kotse ko at bumalik sa coffee shop kung saan kami nagkita ni Daryll. Sakto namang kadarating lang din nya.

"Done. " - sabi ko.

"Great"

***FLASHBACK***

 

Umupo ako sa tapat nya.

 

"So anong desisyon mo?"

Sandali ko syang tinitigan bago ako nagsalita.

"Oo, pumapayag na ako."

"Haha, Magaling." - sabi nya.

"So anong plano mo?"

"Ngayon, pumunta ka sa bahay ni Bryle. Humingi ka ng tawad at makipag-ayos ka, kung maaari umiyak ka. Sabihin mong inalok kita na tulungan akong ilayo si Jessa sa kanya, pero HINDI KA PUMAYAG."

Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na may utak naman pala sya. Nanatili akong tahimik at nakikinig sa kanya.

"Tapos puntahan mo si Jessa. Sa tingin ko hindi pa nya alam na wala na kayo ni Bryle. Sabihin mo sa kanya na layuan nya ang boyfriend mo. Ikaw na ang bahala kung pano mo gagawing makatotohanan."

Napatingin ako sa kanya.

"Nagana naman pala 'yang utak mo. Pasalamat ka pumayag ako sa pinaplano mo."

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon