Hay, sobrang nakakapagod ang araw na ito.
"Ate, ano yan?" - usisa ni Josh sa mga ibinigay sa akin ni Bryle kanina.
"Ahm, hindi ko rin alam. Basta niya na lang iniabot kanina."
"Ate.."
"Oh bakit?" - tanong ko.
"Boyfriend mo na sya diba?" - sadyang maintriga talaga ang kapatid ko. Idol niya ata si Tito Boy.
Ang hirap ipaliwanag. Paano ko ba ipapaintindi sa isang batang tulad niya na ginagamit lang ako ni Bryle para pagselosin ang ex niya? Masyadong komplikado ang sitwansyon ko.
"Ahm, hindi sa ganon. Nagtatrabho kasi si Ate kay Kuya Bryle." -
"Hah? Paano po yun naging trabaho?"jl
"Ay basta, wag ka ng maraming tanong okay? Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kinabukasan natin. Tatandaan mo yan ah?" - paliwanag ko.
"Okay po." - buti na lang at madali namang makaunawa itong kapatid ko.
"Oh tulungan mo na lang si Ate dito. Tingnan natin yung mga binigay ni Kuya Bryle"
Kinuha ko yung nga paper bags at dinala ito sa loob ng kwarto namin para matingnan.
Ang unang paper bag ay may lamang mga damit, sapatos at bag. Bakit naman siya bumili ng mga ganito? Ang laman naman ng ikalawang paper bag ay para sa kapatid ko at yung ikatlo naman may lamang..
CELLPHONE? Hindi ko naman kailangan ng ganito. Baka lalo pang sabihin ng ibang tao na pineperahan ko si Bryle.
"Wow, Ate ang yaman talaga nung boyfriend mo.'' - tukso ng kapatid ko.
"Sinabi ng hindi ko siya boyfriend."
**
KINABUKASAN
Inihatid ko na ang kapatid ko sa school niya at dahil malapit lang ang mga school namin sa isa't isa nilakad ko na kang. Sabi ko kay Josh dapat kahit papano ay matuto na siyang pumasok at umuwi mag isa.
*BEEP! BEEP!*
Nakita ko ang sasakyan ni Bryle. Himala, wala ata ang limousine nila ngayon.
"Oh Jessa, sumabay ka na." - bigla niyang hininto yung kotse niya sa harapan ko.
"Ah, wag na. Malapit nanan dito yung school. Kaya ko namang lakarin." - naglakad ulit ako.
"Wag kang makulit. Parang sobrang sama ko naman kung hahayaan kong maglakad ang girlfriend ko habang ako nakasakay sa kotse." - sinundan niya ulit ako at huminto sa tapat ko.
Nako, baka masanay na ako sa word na girlfriend ah? Hahaha. Sumakay na din ako sa loob dahil mapilit siya.
Papasok kami ngayon ng school at tulad ng dati sinugod kami ng mga kababaihang patay na patay sa boyfriend ko. Ay kapal! Hahaha.
"Naaalala kita sa kanila. Noong unang beses na makita kita, napipisak na yung mukha mo sa bintana ng limousine namin dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak ng babae sa likod mo." - sabi niya na para bang nagpipigil ng tawa.
Naalala ko nanaman ang pangyayaring yon. Nakakahiya. Nakita pala niya? Siguradong ang weird ng itsura ko. Waaaaa!
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...