And finally after almost a year, nakabalik na kami ni Bryle dito sa Pilipinas. Naipakilala ko na si Bryle kay Lolo nang minsang bumisita noon sa America. Naipakilala na din ako ni Bryle sa parents niya. Mababait naman sila kaya nagkasundo agad kami. Natapos na din ang pag aaral ko sa ibang bansa at kasalukuyan kong minamanage ang isa lang branch ng Empire Company sa U.S.
Actually, hindi pa nga dapat kami uuwi kasi ineenjoy pa namin ang bakasyon namin sa doon. Pero napasugod kami agad dito nang sabihin sa amin ni Natasha ang tungkol sa kasal nila ni Darryl. Oo, kahit nasa ibang bansa ay hindi kami nawalan ng communication. Naging magkaibigan na din kami ni Natasha matapos ang lahat.
"Bryle, bilisan mo naman! Baka wala na tayong maabutang kasal."
"Oo, teka lang inaayos ko pa tong mga gamit natin." - sabi niya habang inilalagay yung mga maleta sa likod ng kotse nya.
Maya maya ay sumakay na din siya sa loob. Pinaandar na ni Bryle ang sasakyan para makaalis na kami. As expected, naipit kami sa traffic mga 30 minutes din yun.
"Jessa, we're here."
Napaidlip na pala ako, dala siguro ng pagod.
"After 400 years Bryle! Let's go." - bumaba na agad ako ng kotse at pumunta sa loob ng simbahan.
I'm so excited to see Natasha. Pagkatapos ng lahat ng nangyari noon, I can say that she's been a good friend to me and also to Bryle. Kahit pa sabihin nating siya ang naging dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra noon, I should thank her for doing that. Kasi kung hindi dahil doon, baka hindi ko nalala ang lolo ko at wala ako sa kung nasaan ako ngayon. At bukod pa doon siya rin ang isa sa mga tumulong para magkabalikan kami ni Bryle.
"I told you, tapos na yung kasal." - naiinis kong sabi kay Bryle.
Nakita ko kasi yung ilang staff sa simbahan na inaayos yung mga flowers and pati yung carpet na ginamit sa kasal. Sabi ko naman sa kanya kanina na dumeretso na agad kami dito pero may dinaanan pa siya kaya super late na kami nakarating.
"Wait, we should go to their wedding reception. Sa Patio Mar--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko siya na pinulot yung bouquet, siguro yun yung hinagis ni Natasha after ng kasal nila. Dahan dahan siyang lumapit sa akin.
"So, ikaw na ba ang susunod na bride? Hahaha." - biro ko sa kanya.
Pumunta siya sa harap ko at iniabot sa akin ang bouquet.
"Nope. It's not me, it's you."
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at may kinuha mula sa bulsa ng suit niya.
"Jessa, marami na tayong pinagdaanan, marami na tayong pagsubok na nalampasan, at napatunayan na natin sa isa't isa na walang kahit sino man ang makakapaghiwalay sa atin. Sobrang saya ko dahil nakilala kita at naging parte ng buhay ko. At gusto ko na makasama pa kita sa mahabang panahon. Ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar, ang magiging misis ko at nanay ng mga magiging anak ko. So, Ms. Jessabhel Pajanilla, will you marry me?"
Biglang bumuhos ang lahat ng luha ko. I didn't expect na magpopropose siya sa akin.
"Makakatanggi pa ba ako? Of course I will. I love you so much Bryle." - niyakap ko siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...