Hay, nakakapagod ang araw na to. Kauuwi ko pa lang pero trabaho na agad ang sumalubong sa akin. Well, okay lang din naman sa akin yung ganit para masanay ako.
Humiga ako sa kama 8:30 PM na pala. Ang dami naming ginawa, bukod sa photoshoot, tinour ako nina Lolo sa buong Empire Building. Since sobrang laki ng building na ito inabot kami ng 3 and a half hour, ineexplain din kasi nila sa akin ang function ng bawat room kaya ganong katagal.
At bukod pa doon, napag alaman kong 15 floors pala ang EB kaya naman talagang napagod ako.
Sabi ni Lolo, kaylangan daw masaulo ko ang lahat ng iyon dahil pagkatapos kong mag aral iaasign niya agad ako as Vice President ng kompanya na lalong nagpakaba sa akin.
Pano na lang kung magkamali ako diba? At maluge ang kompanya ng dahil sa akin. Ayoko namang masira ang pinaghirapan ni Lolo kaya dapat galingan ko.
Ipinakilala din ako ni Lolo kanina sa mga staff ng kompanya, isinama din niya ako sa meeting para ipakilala ako sa mga shareholders.
*beep beep*
Naramdaman ko ang pagba-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko agad ito, nakita ko ang text ni Carla.
Jess, pupunta ako sa bahay niya bukas ah? At sasamahan na din kita dun sa kaibigan ko, siya kasi ang gagawa ng gown mo para sa birthday mo. Matulog ka ng maaga okay?
Sa isang araw na nga pala ang birthday ko nawala sa isip ko dahil naging busy ako these past few days. Kinakabahan ako, ipapakilala na ako ni Lolo bilang apo niya at tagapagmana ng Empire Company. Kaya ko to, kailangan kayanin ko.
**
"Jess! I'm here na! Wake up!"
Nagising ako sa malakas na katok ni Carla sa pinto, yung tipong parang may gyera? Napatingin ako sa wall clock.
9:50 AM
OMG. Napahaba ang tulog ko.
Pumunta agad ako sa banyo para mahilamos. Nagpalit na din ako ng damit kasi for sure hihilahin agad ako ni Carla papunta dun sa gagawa ng gown ko. Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang blue na dress. Sinuot ko agad ito at saka naglagay ng make up. Well, foundation lang naman at pink lipstick.
"Okay, I'm ready." - sabi ko kay Carla paglabas ko ng pinto.
"Great. Tara na?"
Tulad ng inaasahan, hinila niya ako palabas at pinasakay sa kotse nya. Mukhang mas excited pa sya kaysa sa akin, para tuloy siya ang magbibirthday. Hahaha. Sumakay na siya sa driver's seat at hinagis sa akin ang isang magazine. Ganyan siyang kabrutal.
Tiningnan ko yung magazine at--
"OMG, AKO BA TALAGA TO?!"
Hindi ako makapaniwala na ako yung cover ng magazine. Grabe, dati binabasa ko lang yung mga ganito ngayon ako na mismo yung nandito.
"Ang bongga mo girl! Alam mo bang nag labas na sila ng 1,000 na copies ng magazine na yan?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 1,000 copies?! Ganong karami? Ang bilis naman.
"At hindi lang yan. Okay na din yung billboard mo dun sa Empire Building."
"Ang bilis naman, eh halos kahapon lang ako kinunan ng pictures."
"Hindi mo alam kung gaano kalaki ang company nyo. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng photoshoot, pinaayos na agad ng Lolo mo yung billboard kaya sobrang bilis. Syempre malapit na birthday mo kaya tinodo na ng Lolo mo ang powers nya."
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Novela Juvenil❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...