Chapter 26

2.9K 69 2
                                    

Bryle's POV

"Bryle saan ka pupunta?"

Tanong ni Natasha, pero hindi ko na siya pinansin.

Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nakakausap si Jessa, gusto kong malaman nya na hindi ko naman talaga mahal si Natasha, na sya lang ang mahal ko.

Nagtaxi na lang ako papunta sa kanila. Naiwan ko kasi yung kotse ko sa kanila kaya wala akong sasakyan.

After 15 minutes, andito na ako sa tapat ng bahay nila.

"Jessa?!"

Kumatok ako mula sa gate pero mukhang wala syang balak na pag buksan ako.

"Jessa please buksan mo to! Magpapaliwanag ako Jessa! Please!!"

Palakas ng palakas ang pagkatok ko, kung pwede ko lang sirain tong gate para makausap ko sya.

"Jessa! Please let me explain!"

"Ahm, Hijo?"

Nagulat ako nang biglang may isang babaeng lumapit sa akin.

"Wala na si Jessa dyan hijo, kaalis lang nila kanina."

"Kaylan daw po sila babalik?"

"Tingin ko hindi na sya babalik, dala kasi nila kanina lahat ng gamit nila. Sabi nya sa akin doon na daw sila titira sa lolo nya."

Paliwanag nung babae. Bigla akong nanlambot sa narinig ko.

"Ahm, alam nyo po ba kung saan yung bahay ng lolo nya?"

"Hindi eh. Pasensya ka na."

"Salamat na lang po."





Bakit Jessa? Bakit ka umalis nang hindi manlang nagpapaalam? Bakit ka lumayo? Bakit mo ako iniwan? BAKIT!?

Kinuha ko na yung kotse ko at nagdrive pauwi.

Pagkabalik ko sa bahay ni Natasha ay umakyat agad ako papunta sa guest room. Dito daw muna ako matulog sabi ni Natasha, ayoko din naman na doon ako sa kwarto nya.

"Bryle, kakain na."

Narinig ko ang boses ni Natasha na nanggagaling mula sa kusina. Agad akong bumaba para makapag tanghalian.

Nakita ko syang inaayos ang lamesa. Umupo agad ako, habang sya naman pinagsisilbihan ako. Naiimagine ko tuloy kapag naging mag asawa na kami.

Oo, hindi ko mahal si Natasha. Pero sya, mahal na mahal nya ako. Ilang beses ko din syang sinaktan at pinaiyak. Hindi ko inisip ang nararamdaman nya. Lagi ko syang tinutulak palayo. Pero sya? Andito pa rin sa tabi ko. Hindi nya ako iniwan. Patuloy pa rin nya akong minamahal.

"Wag mo akong titigan ng ganyan."

Nagulat ako nang bigla syang magsalita. Napansin nya sigurong nakatitig ako sa kanya.

Kinuha nya yung ulam at umupo sa tabi ko.

"Gusto mong manuod tayo ng movie mamaya?"

"Ahm, sige. Wala naman akong gagawin mamaya."

Siguro dapat pag aralan ko na syang mahalin. Wala na din naman akong magagawa eh, wala na si Jessa. Iniwan na ako ng babaeng mahal ko.



I have no choice but to marry her.

Madali naman siguro syang mahalin. After ng lunch namin ay bumalik agad ako sa kwarto para magpahinga. Ang bigat, ang sakit.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon