Jessa's POV
I'm glad to be back! Halos isang buwan na ang lumipas mula noong may isang tatanga-tangang Jessa ang umalis sa Pilipinas. Pero wala na siya wala na ang tatanga tangang yun. Binago ko na ang sarili ko, kasama na dun ang pagkalimot ko sa nakaraan.
Malayo pa lang, nakita ko na agad si Lolo kasama ang kapatid ko na nag aabang sa labas ng airport. Oo, ngayon nakabalik na ako sa Pilipinas.
"Jessa, hija. Kamusta? Nag enjoy ka ba?" - pambungad sakin ni Lolo.
"Ate, ikaw na ba yan?" tanong sakin ni Josh.
Ang batang to naman, isang buwan lang akong nawala parang hindi na ako kilala.
"Grabe, ibang iba ka na ate." - siguro namamangha itong kapatid ko sa new look ko. Hahahah
"So, let's go?" tanong ko.
"Jess, uuwi muna ako sa amin. Sa EC na lang tayo magkita, okay?" - tanong ni Carla.
Tumango na lang ako saka sya bumeso sa akin at tuluyan ng lumayas. Sumakay ma kami sa sasakyan para makauwi na kami ng bahay at makapag pahinga.
"Alam mo Josh, ang dami kong pasalubong sayo."
"Talaga? Patingin ate! Asan?!" - excite na excite ang kapatid ko. Hahahha
Halos 20 minutes lang naman kaming naipit sa traffic. Isa to sa mga namiss ko sa Pilipinas. Wala kasing traffic dun. Namiss ko ang lahat lahat maliban sa isa. Hahaha. Kalimutan na ang dapat kalimutan.
Pagkauwi namin sa bahay, iniabot ko agad kay Josh ang isang bag na punong puno ng chocolates at iba pang pasalubong na binili ko para sa kanya.
"Akin lahat to ate?" - tanong niya habang yakap yakap yung bag.
"Oo naman."
"Yeheeeey!" - tumakbo agad siya sa kwarto niya para butbutin yung mga pasalubong nya.
"Magpahinga ka muna apo, alam kong napagod ka sa byahe nyo."
"Opo lolo."
Umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Haaaaaaaaaaay. Nakakapagod talaga pero nag enjoy ako. Inilapag ko ang bag at maleta ko sa gilid ng kama. Kinuha ko muna yung cellphone ko.
Binuksan ko ang facebook ko para tingnan ang mga kaganapan sa social media. Matagal na din mula nung binuksan ko to. Naging busy kasi ako sa mga bagay bagay.
Nagiiscroll ako sa newsfeed nang makita ko ang isang article tungkol sa wedding nina Bryle at Natasha. Nakita ko rin ang ilan sa mga pictures na ginamit siguro para sa wedding invitation nila.
Hindi ko na binasa yung article dahil ayoko ng maalala ang nakaraan. Ayokong mabaliwala ang isang buwan ko sa America para kalimutan sya nang dahil lang sa isang article.
Nilapag ko na lang ang cellphone ko sa gilid ng kama ko para makapagpahinga na ako.
"Jessa?"
Narinig ko ang katok ni Lolo mula sa pinto. Napaidlip na pala ako. Binuksan ni Lolo ang pinto at pumasok sa kwarto ko.
"Jessa, be ready. Pupunta tayo sa Empire Company mamaya. Mayroon kang photoshoot, I'll just explain it to you later okay?"
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...