Ako si Jessabhel Pajanilla, but you can call me Jessa for short.
Just a few things about myself, ulila na kami ng kapatid ko. Namatay ang mga magulang namin sa isang car accident at tanging lola ko na lang ang nagpalaki at nagalaga sa amin pero sa kasamaang palad, pumanaw ang lola ko dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa heart attack. Mula noon napilitan akong kumayod para sa aming dalawa ng kapatid ko. Buti na lang ay nag iwan ng konting ipon ang lola bago niya kami iniwan.
Graduating na ako ng highschool samantalang ang kapatid ko naman ay nasa grade 5 pa lang. 16 years na akong nabubuhay sa Earth at lumalasap ng sariwang hangin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maramdaman ang sinasabi nilang 'love is in the air' dahil ang mga katulad kong nasa lower class ay hindi biniyayaan ng Diyos na magkaroon ng boyfriend.
Kung sabagay, sa dami ba naman ng mga dapat kong asikasuhin sa buhay ay wala na akong oras para isipin pa ang mga lalaking alam kong magiging sakit lang ng ulo. Tulad ng nasabi ko kanina isa akong mala-Maria Mercedes na babae hindi dahil sa kasing alindog ko si Jessie Mendiola kundi dahil sanay na akong magbanat ng buto. Hahahha anong connect Jessa?
At dahil nga sa hirap sa buhay ay kinailangan kong magworking student para magkaroon kami ng sapat na panggastos sa araw araw. Waitress, Janitress, at lahat na ata ng may 'tress' at nakakastress na trabaho napasukan ko na. Pero wala eh, mukhang sinasadya ata na hindi ako tumagal sa mga pinagtatrabahuhan ko. Sa ngayon, pansamantala akong nagtatrabaho sa isang maliit na coffee shop bilang waitress bukod pa sa lingguhan kong paglilinis sa bahay ng kapitbahay naming si Ate Mercy.
--
Back to reality, papunta ako ngayon sa school dahil lunes nanaman. Hinatid ko na din si Josh, ang aking napakacute na kapatid. Nilakad ko na lang tutal malapit lang naman ang school ko sa school na pinapasukan ng kapatid ko. Malayo pa lang ay natanaw ko na agad ang pulutong ng mga kababaihang mistulang nakapila sa harap ng gate ng school namin. May dala silang mga lobo at mga karatulang may nakasulat na 'I love you'. Anong meron? Bibisita ba sa school si Alden? O baka naman si James Reid? Nang biglang...
*Beeeeeeep* *beeeeep*
Dalawang mahahabang busina ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Parang mabibingi na ata ako sa sobrang lakas dahan dahan akong lumingon. Nakita ko ang isang mamahaling sasakyan.
Kung hindi ako nagkakamali, sakay ng kotseng ito ang lalaking hinihintay ng mga kababaihan sa gate namin. Agad akong tumabi at baka sagasaan pa ako ng driver at sabihing mas mahal pa ang kotse nila kaysa sa buhay ko tulad ng lagi kong nakikita sa telenovela.
Nagulat na lang ako nang may tumulak mula sa likuran ko dahilan para mapasubsob ako sa bintana ng sasakyan. Aba't! Sino ba itong lapastangang tumulak sa akin?
Pabwelo na ako nang biglang may mabigat na kung ano ang dumagan sa likuran ko. Napagtanto ko na lang na kasalukuyan na pala akong naiipit sa hidwaan ng Pilipinas at China.. este sa kumpulan pala ng mga babaeng nakapalibot sa kotse ngayon. Lumingon ako sa kanila.
"HOY, WAG NYO AKONG IPITIN--"
Hindi ko na natuloy ang pagsasalita nang sikuhin ako ng babaeng dambuhala sa likod ko dahilan upang lalong mapangudngod ang mukha ko sa salamin. Hindi ko na magawang igalaw pa ang ulo ko dahil sa bigat ng braso ng balyenang ito.
Hustisya, kailangan ko ng hustisya. Napaka-inosente kong naglalakad kani-kanina lang tapos ganito ang mangyayari sa akin? sadya ngang napakalupit ng kapalaran.
May isang bagay akong biglang ikinabahala. Kung may tao ba ngayon sa loob nitong sasakyan? Masyado kasing tinted ang bintana na parang sasakyan ng holdaper kaya hindi ko maaninag ang nasa loob. Pero sana naman wala. Kung anoman ang itsura ko ngayon, yon na siguro ang pinaka hindi kaaya-ayang mukha sa mundo.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...