Chapter 10

4.3K 114 0
                                    


Jessa's POV



Nandito kami ngayon ni Bryle--este babe sa Tagaytay kasama ang kapatid ko. Isang buwan na ang nakalipas mula noong pumayag akong magpanggap bikang girlfriend niya. Oo isang buwan, isang buwan na akong nangangarap na totong girlfriend niya.

Utos niya sa akin na tawagin siyang babe para daw mas mukhang makatotohanan, pero para sa akin totoo naman lahat ng ito. Ambisyosa na kung ambisyosa, masama bang isiping mamahalin din ako ng lalaking to?

Pero hindi eh, dumadating pa rin sa point na sinasampal ako ng katotohanan. Natatakot ako kapag nagiging masaya kaming dalawa, kasi baka isang araw bumalik si Natasha at bigla na lang akong magising sa realidad. Baka kunin niya si Bryle o kaya papiliin niya?! Pero syempre, hindi naman ako ang pipiliin nun.

Para lang akong band aid, kailangan niya lang ako kapag may sugat siya-- ano daw? Nasasaktan ako kapag naiisip kong hanggang ngayon mahal pa rin ni Bryle si Natasha, kaya naman niya ginagawa ang lahat ng ito para sa babaeng yun.



Speaking of Natasha, tinigilan nya na ang pang aaway sa akin. Siguro nagsawa na rin siya na taray tarayan ako. Ang bali-balita sa school, kung sinu-sino na daw ang nagiging boyfriend ni Natasha. Ewan ko kung maaawa ba ako o matutuwa. Halata namang mahal niya pa rin si Bryle, siguro iniintay lang ni Bryle na siya mismo ang lumapit.

Habang tumatagal lalo akong natatakot na matapos na to. Etong Operation: Make Her Jealous na pinlano ni Bryle, paano na ako kapag nagkabalikan na sila?




"Oy babe!" nagulat ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko.

"Aray! Ano ba?" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Ano bang iniisip mo at nakatulala ka dyan?" tanong ni Babe.

"Ahm, wala naman. Ngayon lang kasi ako nakapunta dito, ang lamig hehe" palusot ko.

Napansin kong hinubad nya yung jacket nya at ipinatong niya sa balikat ko.

"Ayan, suotin mo na." ngumiti na lang ako.

"Isang buwan na ang nakalipas mula nung nagpanggap tayo." sabi ko sabay hinga ng malalim.

"Oo nga eh" matipid niyang sagot.

"Namimiss mo na ba sya?" tanong ko.

Hindi na sya sumagot. Tinitigan ko ang mga mata niya habang nakatingin siya sa malayo. Mukhang malalim din ang iniisip niya. Alam ko naman na namimiss niya na si Natasha at hanggang ngayon mahal niya pa rin ang babaeng yon. Nararaman ko na oo ang sagot nya sa tanong ko.







--







Bryle's POV




"Miss mo na ba sya?" tanong ni Jessa.




Hindi ko alam ang isasagot ko. Napatingin ako sa malayo. Miss ko na ba talaga si Natasha?

Hindi ko rin alam kung oo o hindi. Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko si Jessa at pag kasama ko sya, nakakalimutan ko ang mga problema ko. Pero parang hindi parin ako kumpleto, parang may kulang. Siguro nga namimiss ko na si Natasha.


Lagi ko siyang nakikita na may kasamang lalaki kapag nasa school. Ewan ko kung ano ng nangyayari sa kanya. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba. Bakit pa ba siya humahanap ng iba? Andito naman ako eh. Ewan ko ba, gusto kong pagsisihan niya talaga ang panloloko niya sa akin at gusto ko siyang makitang nagmamakaawa para mahalin ko ulit siya.
Napansin ko na umalis si Jessa sa tabi ko. Hmm.. Pahapon na pala, mahirap pag ginabi kami sa daan dahil may pasok pa bukas.

Nagyaya ng umuwi si Josh. Mukang pagod na rin ata sya. Nilikom na namin ung mga gamit, at hinanda ko na rin yung kotse.




**






On the way na kami pauwi. Nakatulog na si Jessa at ang kapatid niya, sobrang napagod siguro ang dalawang to. Hahah ang cute nila. Medyo traffic din kasi kaya matagal ang biyahe. Halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan


"I- i love you Bryle..."





Napalingon ako kay Jessa nang marinig ko ang boses niya. Teka, nananaginip ba siya?
Mukhang mahimbing pa ang pagkakatulog niya. Ngayon ko lang narealize na maganda din pala tong si Jessa. Para siyang anghel na natutulog. Napansin ko na lang na basa na yung pisngi niya. Umiiyak ba siya? Oo. Umiiyak nga siya. Pinunasan ko yung pisngi niya. Naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko. Ano to? Baka naman nagiguilty lang ako? Siguro nga. Ang sama ko dahil ginamit ko siya.

BEEP BEEP!

Nagulat ako sa busina ng sasakyang nasa likuran namin. Sorry naman. Eto na.

Nagfocus na ako sa pagmamaneho para makauwi na kami.




**


Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating na din kami sa bahay nina Jessa. Tinulungan ko na sila sa mga bitbit nilang gamit.

"Ahm. Salamat sa paghatid." sabi niya habang kinukuha yung bag sa likod ng kotse.

"Ah, wala yun.  Sige una na ako."

"Bye babe!" pasakay na ako nang biglang sumigaw si Jessa, tumingin ako sa kanya saka ngumiti.

"I love you!" sigaw niya. Ngiting ngiti siya sa akin hahaha bakit ang cute niya? Nakakainis.

"I love you too."




Teka, eto yung unang beses na sinabi ko yun sa kanya. Napansin kong napayuko at namumula yung pisngi niya. Sumakay na ako ng kotse at baka mailang pa siya.

Nakarating na ako sa amin, walang tao ngayon sa bahay maliban sa akin. Nasa business trip ang parents ko sa Paris. Hindi ako sure kung next week or next month pa ang uwi nila and I don't care kung umuwi sila o hindi. Tutal kinalimutan na naman nila na may anak sila dito sa Pilipinas puro na lang sila business ni hindi nga nila alam na nagbreak na kami ni Natasha eh. Hindi man lang sila makatawag para kamustahin ako. Halatang halata na mahal talaga nila ako. DIBA?

Teka, namamalikmata ba ako? Si- si Natasha!?

Nakita ko sya na nakaupo sa harap ng gate namin. Iniintay nya ba ako? Bumaba agad ako ng kotse. Lumapit ako sa kanya. Tumayo sya at...







_____

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon