Chapter 28

2.9K 67 16
                                    



"Jessa? Hija? Malelate ka na sa flight mo."





Nagising ako sa boses ni Lolo mula sa labas ng kwarto ko. Kinuha ko agad yung cellphone ko sa gilid ng kama para tingnan kung anong oras na. 4:30.

Bigla akong bumangon, sabi nga pala ni Lolo dapat daw by 5:00 nakaalis na kami ng bahay dahil mahirap daw pag naipit kami sa traffic.

Dumeretso agad ako sa banyo para maligo pagkatapos ay namili ako ng maayos na damit para naman hindi ako mukhang tambay lang sa airport.

After 20 minutes, lumabas na ako ng kwarto. Syempre, mabilis akong kumilos. Ayoko kasing mahalata ni Lolo na tulog pa ako nung mga panahong sinabi nyang malelate kami. Haha




Pagbaba ko, naabutan ko si Lolo na nasa dining. Sumabay na ako sa kanya sa pagkain.

"Excited ka na ba?" - tanong niya.

"Haha opo, first time ko pong magtatravel ng ganitong kalayo haha."

Ninamnam kong mabuti ang pagkain dahil ito na ang huling beses na makakakain ako ng lutong pinoy.



Masaya kaming kumakain ni Lolo nang mapansin kong parang may kulang. Napatingin sa akin si Lolo.

"Ginigising ko kanina ang kapatid mo pero mukhang mahimbing ang tulog nya kaya hinayaan ko na muna. Puntahan mo na lang sya sa kwarto nya."

Tumango na lang ako. Nako, yung kapatid ko talaga, mawawalan ng ate ng walang kamalay malay tsk.



Pagkatapos naming kumain ay pumunta agad ako sa kwarto ng kapatid ko para magpaalam. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang mahimbing na natutulog.

Parang ayoko na tuloy siyang gisingin. Pumunta ako sa gilid ng kama niya at tiningnan ang muka nya, hinalikan ko na lang siya sa noo.

"Bye Josh."

Dahan dahan kong isinara ang pinto para hindi sya magising. Paglabas ko, naabutan ko si Lolo na nag iintay sa sofa.

"Let's go?"

Tumango na lang ako, nakita ko yung driver na inilalagay yung mga gamit ko sa loob ng sasakyan. Sumakay na kami ni Lolo, maya maya ay sumakay na din yung driver at inistart yung kotse para makaalis na kami.





After 30 minutes, nakarating na kami sa NAIA. Malayo pa lang, nakita ko na agad si Carla na kumakaway sa amin. Pagbaba namin ng sasakyan ay sinalubong nya agad kami.

"Carla, please take cake of my grand daughter." - bilin ni Lolo.

"Of course sir."

Niyakap ako ng mahigpit ni lolo, syempre niyakap ko rin sya. Kinuha ko na yung maleta ko at nagpaalam kay lolo.

"Mag iingat kayo dun ah?"

"Opo."





Naglakad na kami ni Carla papasok ng entrance, syempre alangang sa exit kami pumasok? Hahaha.

Nang malayo na kami kay lolo, nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.

"Wag kang mag alala, itutour kita sa buong America hahaha. Maghahanap tayo ng pogi. Hahahaha"

Napatingin ako sa kanya. Pag nasa harap pala siya ni Lolo mukha syang matino pero pag kami na lang dalawa, baliw na siya. Hahaha pakiramdam ko tuloy tropa ko na sya.

"Ingatan mo yang gamit mo, baka mamaya magkaroon na lang yan bigla ng apat na bala ng kalibre korentay-singko."




Ang lalim nun ah hahaha. Pero sabagay, tama siya baka hindi pa ako makaalis ng bansa pag nagkataon. Isa yan sa mga mamimiss ko sa Pilipinas, ang palpak na serbisyo ng ating gobyerno. Aysh.

Si Carla na yung nag ayos ng mga visa, passport at kung ano ano habang nandun kami dahil wala naman akong alam pagdating sa mga ganon.

"Jess! Andun na daw yung eroplanong sasakyan natin bilis!"

Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin at--







MWOOOO?



Tiningnan ko ang eroplano mula ulo hanggang gulong, syempre wala namang paa yung eroplano. Hehe corny ko.





Umakyat na kami sa eroplano, ang lakas ng hangin, pakiramdam ko matatangay ako. Naalala ko tuloy kung paano nilipad ng hangin yung skull cap ni Pope Francis nung bumisita siya sa bansa.

Pagpasok namin ni Carla ay umupo agad kami sa naka assign na seats para sa amin. Sobrang dami ng mga pasahero kaya natagalan bago makapasok lahat. Para akong alien dito sa loob, ganito pala ang itsura ng loob ng eroplano hahah.

Kinuha ko muna ang cellphone ko pati yung earphone at nakinig muna ng mga kanta.

Dumungaw ako sa bintana upang tingnan ang view. Aysh, hindi pa lumilipad yung eroplano, mag mga pasahero pa ring nakapila sa baba.







"Jess! Jess! Gising!! Lumilipad na tayo!"

Nagising ako sa pagtapik ni Carla sa braso ko. Hindi ko namalayang napaidlip na pala ako.

Teka? Lumilipad na kami?! Kaylan pa ako tinubuan ng pakpak? Lol. Magbiro na daw sa lasing wag lang sa bagong gising. hahaha





Dumungaw agad ako sa bintana, at oo. Lumilipad na yung eroplano. Nakikita ko ang unti unting pagliit ng mga bahay habang tumataas ang lipad nito.

Hmm, asan kaya dyan ang bahay namin? O ang bahay ni Bryle--

Ano ba Jessa? Ano ba? Paano ka makakamove on nyan kung lagi mo syang iniisip.

Tama, sa pag alis ko ngayon sa Pilipinas, kakalimutan ko na si Bryle. Kakalimutan ko ang lahat ng ala ala nya, at sa pagbabalik ko?

Sisiguraduhin kong hindi na ako ang tatanga tangang Jessa na magpapaloko ulit sa kanya.

















Bryle's POV



It's been a week since Natasha told us the good news.

Magiging tatay na ako. Yes, she's pregnant. Hindi ko rin akalain.

Pinaliwanag niya sa akin lahat, hindi ko alam na may nangyari pala sa amin noong dumating ako ng lasing sa bahay nila. Lasing na lasing ako nun kaya wala akong matandaan. Pero naniniwala naman ako na ako ang ama g dinadala niya. Wala namang ibang lalaki sa buhay nya kundi ako. Eh patay na patay pa naman to sa kagwapuhan ko. Hahaha


Alam na to ng parents namin and they are really happy for us. Naging dahilan din yun ng pagpapaaga ng kasal namin. Ikakasal na kami next next week.

Tingin ko kaya ko namang matutunang mahalin si Natasha, lalo na ngayon at magkakababy na kami. Siguro kaylangan ko na ding tanggapin na hindi talaga kami ni Jessa ang para sa isa't isa.

Eto siguro ang gusto ni Lord para sa amin, kaya nya binigay ang baby namin ni Natasha para kalimutan ko na ang kung anong meron kami ni Jessa.




Kasama ko ngayon si Natasha, magpapacheck up kasi siya ngayon sa doktor nya at syempre gusto nyang samahan ko sya.

Kasalukuyan kaming naiiput ngayon sa traffic. Ang init pa ng panahon, makakasama to para sa mag-ina ko.

Napatingin ako sa bintana, napansin ko ang isang malaking billboard sa taas ng Empire Building. May parang isang shadow ng babae at may caption na "SHE'LL BE BACK"







Empire Company ang naging dahilan ng pagbagsak ng negosyo nina Mama at Papa kaya gusto nilang makipagsosyo sa kompanya nina Natasha, to bring Empire Company down.

Kami yung aasahan nila na magpapalago ng kompanya. At syempre ayoko silang biguin. Gagawin ko ang lahat para matalo namin ang Empire Company, pagbubutihin ko para sa kinabukasan ng magiging anak namin ni Natasha.









---

AN: OMG?! Buntis si Natasha? Si Bryle ang ama? Kakalimutan na sya ni Jessa? Waaa~ ano nang susunod na mangyayari?

Abangan.

Hahahaha :D

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon