Bakit ba tila napakaliit ng mundo para sa aming dalawa? Sa dinami-dami naman kasi ng tao sa Earth. Wala na bang iba na pwedenb bumangga sa akin? Jusq. Hanggang saan ba ako hahabulin ng kamalasan dahil sa lalaking to?
''Aba?! At ikaw nanaman pala yan ah. Binangga mo na nga ako kanina sa school hanggang dito banaman babanggain mo pa rin ako?! Talaga bang hindi ka titigil hanggat hindi ako natutuluyan?"
*BEEEEEEEEP BEEEEEP*
"Sumakay ka nalang sa kotse, sa loob na tayo mag usap. Nakaharang tayo sa daan.."
"Wala naman tayong dapat pag usapan."
"Sumakay ka na lang."
Agad niya akong ginaladgad at tinulak papasok sa kotse niya. Bakit pakiramdam ko ngayon ay isa akong batang pilit pinapasakay ng mga salbaheng mama sa puting van nila para ilayo sa aking mga magulang? Hayy nako. Umiral nanaman ang imagination ko. Tigil na kasi kakanood ng telenovela Jessa.
"Teka, saan ba tayo pupunta?" binasag ko muna ang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa ng mapansin kong tuloy-tuloy sa pagmamaneho si Bryle na para bang wala siyang sapilitang isinakay sa kotse niya.
"Ewan ko. Saan ka ba pupunta? Hatid nalang kita, para makabawi naman ako sayo.."
"Ang totoo hindi ko rin alam kung saan ako pupunta, naghahanap kasi ako ng raket."
"Rocket?"
"Raket. Trabaho!"
May pagkashunganers din naman pala 'tong sinasabi ni bes na pinakapoging fafable di umano ng school, hayy nako. Bakit naman kaya ako maghahanap ng rocket sa kalsada? Wala pa naman sa plano kong makipagtanan kay Matteo Do. Jessa intindihin mo na lang, anak-mayaman kasi siya kaya for sure na wala siyang alam sa mga kadugyutan ko.
"Ipapakilala kita sa ko sa bestfriend ko, si Eadrian. Marami yung alam eh"
Napatango na lang ako habang ineenjoy ang tugtog sa radyo ng kotse niya. Ilang saglit pa ay nakarating na raw kami, sabi niya. Tumambad sa akin ang isang tatlong palapag na gusali na restaurant daw ng Eadrian na tinutukoy niya.
Pagpasok namin sa loob ay nilapitan kaagad ni Bryle ang isang lalaki sa may counter, siguro yun yung bestfriend niya, habang ako naman ay masayang inililibot ang aking mga mata sa lugar. Maganda ang paligid, hindi mo aakalaing nasa Pilipinas ka pagpasok mo dahil sa tema ng lugar.
"Psst."
Napalingon ako bigla kay Bryle, sinenyasan niya ako na lumapit sa kanila. Yung totoo, ano ako aso?
''Siya yung sinasabi ko sayo. This is Eadrian Mojica, papa niya ang may-ari ng restaurant na 'to. Bro this is.. teka nga pala, ano nga bang pangalan mo?" tanong ni Bryle. Luh? Hindi niya pa pala alam ang pangalan ko? Ilang beses niya ng sinisira ang araw ko pero hanggang ngayon hindi niya pa rin pala alam ang pangalan ko? Okay, Jessa kalma. Hindi niya naman kasi kasalanan na hindi niya alam. Hindi ka pa naman kasi nagpapakilala gurl.
"Uhm.. Ako nga pala si Jessa, Jessabhel Pajanilla. Pero pwede mo akong tawaging Jessa for short."
"Teka Jessabhel? Sirena yun di ba?" tanong ng bestfriend ni Bryle na si Eadrian.
"Ay oo pare. Kaya pala parang pamilyar sa akin yung name. HAHAHAH"
"Hindi. Dye-se-bel yung kanya Jessa-bhel yung akim!'' paliwanag ko.
"Hahaha kumalma ka nga Jessa." lakas naman maka-kumalma ka nga Jessa nitong si Eadrian, matapos niyo ako pagtulungan ni Bryle ah? Ano close na tayo hah? Close na tayoo?!
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...