Dahil masyadong malayo ang America at hindi na aabot ang kable ng ating camera para makunan ang lahat ng pangyayari doon. Ako na muna ang magkukwento sa inyo ng mga magaganap sa America sa pag iistay nina Jessa at Carla doon. Sino ako? Syempre ako ang author, alangang ako ang nanay mo diba? Hahaha okay so eto na nga...
Dumating na sina Jessa at Carla sa America, isang puting van ang sumundo sa kanila mula sa airport at hinatid sila papunta sa kanilang tutulyuan. Hindi ito van ng mga kidnapers, ito ay ang van na inutusan ng lolo niya na sumundo sa kanila sa pagdating nila doon.
At pano nalaman ng van na andoon na sila? Syempre naman, tinext ni Carla yung driver para masundo na sila. Bilin ito sa kanya ng lolo ni Jessa bago pa sila umalis ng bansa.
Manghang mangha si Jessa sa lahat ng kanilang madadaanan lalo pa't hindi traffic sa lugar, malinis ang paligid, mukhang hindi polluted ang hangin at walang nagkalat na mga street vendors na nagtitinda ng pirated na DVD sa mga gilid ng kalsada.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa isang mansyon kung saan sila lang dalawa ni Carla ang titira.
Pagkarating nila ay agad na tinawagan ni Jessa ang lolo niya para hindi ito mag alala.
Dumeretso na si Jessa sa kanyang kwarto gayon din naman si Carla. Tulad ng bahay nila sa Pilipinas, malaki at maganda din ang kwarto niya sa America.
Tuwang tuwang nagpagulong gulong si Jessa sa malambot at malaki niyang kama hanggang sa..
Mahulog siya dito.
Biglang nakaramdam ng hilo at panghihina si Jessa mula sa byahe nila papuntang America. Kaya't naisipan niyang magpahinga muna.
Kung nagtataka naman kayo kung saan o kaninong bahay nakatira sina Jessa, ito ay ang bahay ng Lolo niya sa America, lingid sa kaalaman ni Jessa sa mansyong ito lumaki ang papa niya. Nuknukan talaga ng yaman ang lolo ni Jessa, dahil isa ang Empire Company sa TOP 3 Major Companies ng Pilipinas.
**
Matapos ang pahinga ay wala ng sinayang na oras ang dalawa. Tulad ng sinabi ni Carla, inilibot niya si Jessa sa America gayon din sa eskwelahang papasukan nito.
Hindi mapakali si Jessa sa dami ng foreigners na nakikita niya samantalang si Carla naman ay naghahanap na mga pogi na pwedeng ireto kay Jessa. Hindi pa rin siya makapaniwala si Jessa nasa America na siya. Maganda at malaki ang school na papasukan niya.
Naisaayos na ng assistant ng lolo niya na nasa ibang bansa ang lahat lahat para wala ng masyadong aasikasuhin sina Jessa sa pagdating nila.
Nabanggit din ni Carla na kay Jessa na sa school na ito mag aaral ang dalaga sa buong taon. Nagulat si Jessa dahil ang alam niya ay isang buwan lang siyang magii-stay sa America.
Pero isang buwan lang naman talaga, pagkatapos ng isang buwan ay uuwi siya sa Pilipinas para sa kanyang debut at ang pagpapakilala sa kanya ng lolo niya sa publiko bilang tagapagmana ng kanilang konpanya.
Uubusin din ni Jessa ang isa pang buwan sa Pilipinas para sa aktual na pagmamanage niya ng kanilang kompanya at pagkatapos nito ay babalik siya sa America para tapusin ang kanyang pag aaral.
Magiging busy talaga si Jessa sa mga susunod na araw syempre naman bigtime na ang ating bida ngayon. Bongga diba? Hahahaha
Pagkatapos nilang pumunta sa school ay agad naman silang dumeretso sa mall kung saan ibinili ni Carla si Jessa ng magagandang damit, sapatos, at bag na babagay dito.
Pumunta din sila sa isang parlor sa loob ng mall at pinamake-upan niya ang dalaga. Kakaiba ang naramdaman ni Jessa dahil noon lang siya nakapaglagay ng make-up.
Dahil nagiging close friends na sila ni Carla, naisipan ni Jessa na ikwento dito ang tungkol kay Bryle at sa kung paano sila nagkakilala, naging masaya at naghiwalay. Nakaramdam ng inis si Carla kay Bryle dahil sa ginawa nitong panloloko kay Jessa.
Siniguro din niya kay Jessa na kapag bumalik na ito ng Pilipinas ay hindi na siya makikilala ni Bryle dahil hindi na siya tulad ng dati, napangiti si Jessa sa sinabi ni Carla. Ganoon din ang gusto niyang mangyari kaya pumayag siyang pumunta sa America, para magbago.
Nagpatuloy ang dalawa sa pagshoshopping, matapos ang ilang oras ay napagpasyahan nilang umuwi.
Pagkatapos ng araw na naglibang sina Jessa at Carla ay nagsimula na si Jessa sa pag aaral.
Nag-aaral siya sa umaga at pagka uwi niya ay tinetrain naman sya ni Carla sa mga tamang pagkikos at kung anu-ano pa.
Ilan lang dito ang tamang paglakad, pagkain, pag upo, pakikipag usap at pagpili ng damit na isusunot
Subsob sa pag aaral si Jessa dahil gusto niyang maging proud sa kanya ang kanyang lolo at ayaw niya itong biguin.
Isang linggo pa lang ang lumipas ay marami na agad natutunan si Jessa sa school at kay Carla dahil fast learner ang ating bida bagamat naiilang pa siya sa kanyang mga kaklase dahil sa magkaiba sila ng nakasanayang lenggwahe, unti unti ay nagiging kaibigan din ni Jessa ang ilan sa kanila.
Sa paglipas din ng mga araw ay lalo silang magiging close sa isa't isa, masasabi kong ang pagpunta ni Jessa sa America ay naging susi para makahanap si Jessa ng isang kaibigang hindi siya iiwan at susuportahan siya sa lahat ng kanyang gagawin.
Habang dumadaan ang mga araw ay mas namimiss ni Jessa ang lolo at kapatid niya, subalit ipinangako niya sa kanyang sarili na pagbubutihin niya ang pag aaral para sa lolo nya.
Mabilis ang naging paglipas ng isang buwan para kay Jessa na walang ibang ginawa kundi ang mag aral.
Naging dahilan ang pagiging abala niya sa pag aaral para makalimutan si Bryle...
Pansamantala.
At dumating na nga ang araw na pinakahihintay nating lahat, ang araw ng pagbabalik ni Jessa mula America.
Inihanda na nila ni Carla ang lahat ng dadalhin nila sa pag uwi, gayon din ang sandamakmak na pasalubong na uwi ni Jessa para sa kapatid niya. Dumating na ulit ang puting van na sumundo at ngayon ay maghahatid naman sa kanila pabalik sa airport.
Bag, check.
Shoes, check.
Make up, check.
Hairstyle, check.
Outfit, check.
Handa ka na ba sa pagbabalik niya?
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...