Jessa's POV
Halos 11:00 na nang matapos ang party kagabi. Natutuwa ako dahil marami ang pumunta at naging successful naman ang lahat kaso...
Doon sa 18 roses, si Lolo ang first dance ko dahil wala na ang tatay ko. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Lolo kung sino ang mga naging kaklase ko noon, dumating sila, hindi ko din inaasahan na kasama sa 18 roses si Darryl.
Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Kakaiba talaga ang naramdaman ko noong nakita ko si Natasha at Bryle na magkasama, hindi ko alam kung galit ba yon or what.
Hindi ko rin maipaliwanag yung naramdaman ko nung sinabi sa akin ni Bryle na kasal na sila at magkakababy pa. Para akong sinasaksak sa sobrang sakit. Buti na lang talaga andun lang si Darry para kahit papano hindi ako mukhang loner.
Pero may isa pang hindi inaasahang pangyayari.
***FLASHBACK***
Inilagay ni Darryl ang bulaklak sa kamay ko at tinapik niya ako sa likod saka ngumiti.
Nagulat ako nang makita ko ang isang lalaking palapit na may hawak ng isang rosas na kukumpleto sa 18 roses. Si Bryle.
Hinawakan niya ang kamay at bewang ko. Nagsimula na ang tugtog. Hindi ko alam kung paano ko siya tititigan.
"Paano ka naman naging part ng 18 roses?" - sarkastiko kong tanong.
"Ayaw mo ba? Haha kinuha ko lang yung bulaklak dun sa lalaking dapat magsasayaw sayo."
Napalingon ako. Nakita ko si Eadrian. Sa pagkakatanda ko, bestfriend siya ni Bryle. Kumakaway siya sa amin at para bang chinicheer pa kami.
"Baka magalit ang asawa mo."
"Hindi siya magagalit, friendly dance lang naman ito diba?" - ngumiti nanaman siya, yung ngiting nakakapang asar.
Friend? Hanggang friends na lang ba talaga Bryle? Ayy- ano ba Jessa! Asa much? May asawa na yung tao. Magkakaanak na sila.
Baka eto na rin ang huling beses na makakasama ko si Bryle. Babalik na din naman ako sa America para ipagpatuloy ang pag aaral ko.
Maya maya pa ay natapos na ang tugtog, inilagay ni Bryle yung bulaklak sa kamay ko. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
Parang tumigil ang mundo ko, nagsunod sunod ang flash ng camera kasabay non ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang maiiyak na ako kaya kinalas ko na yung pagkakayakap niya sa akin at pinilit kong ngumiti.
***END*OF*FLASHBACK***
Hay. Napagpasyahan kong pumunta sa mall ngayong umaga para naman kahit papano ay makalimutan ko ang mga nangyari kagabi.
**
Bryle's POV
Andito ako ngayon sa mall dahil inutusan ako ng Dad ko na kunin yung suit na inorder niya last time.
Paalis na ako nang makita ko sina Natasha at Darryl.
"Oy Bryle! Anong ginagawa mo dito?" - tanong sa akin ni Darryl.
"Ah, kinuha ko lang tong suit ng Dad ko. Pauwi na din ako." - sagot ko.
"Pauwi ka na? Mamaya ka na umuwi. Pumunta kami ni Darryl dito para mamili ng gamit para sa baby namin. Sumama ka muna samin at marami kang kailangang ikwento tungkol sa nangyari kagabi." - sabi ni Natasha sabay hila sa akin papasok ulit ng mall.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Teen Fiction❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...