Katatapos lang namin ni Christine na kumain ng recess at kasalukuyang naglalakad ngayon sa hallway nang biglang lumapit sa amin si Mikay, isa sa mga kaklase namin.
"Christine, pinapatawag ka ni Mam Velasco. May sasabihin daw siya sa'yo, nasa faculty siya. Puntahan mo na lang daw." sabi ni Mikay
"Ah sige, pupunta na ako."sagot ni Christine.
"Tara bes, samahan mo ako. "
Tumango na lang ako nang biglang isang nakaririnding boses ang narinig ko.
"PAJANILLAAAA!"
Tawag ng teacher kong boses kambing na ilang metro pa ang layo mula sa amin. Aba naman, mahal na mahal ako ni Mam. Malayo pa lang tanaw na ako. Kaasar, may pangalan naman kasi ako.
"Hay nako naman.. Mauna ka na bes, sunod na lang ako. Mukhang manganganak na si Mam"
"Gaga ka talaga, dalaga pa yan oy! Sige sige."
Naghiwalay na kami ni Christine ng landas, lumapit na agad ako kay Mam bago pa ako batuhin ng kung ano.
"Ano po yun mam?"
"Paki dala naman yung mga libro, salamat." sabi ni Mam at itinuro ang ga-bundok na libro na nakapatong sa table niya sabay alis. Wow mam, utos and run?
Di nga? Ako lang magbibitbit nun? Pinagtitripan ba ako ni Mam? Pang ilang kamalasan na ba to na nangyari sa akin ngayon araw? At bago ko pa bilangin ang mga nangyari ngayong araw ay agad ko ng kinuha ang mga libro sa lamesa. Mga libro lang naman ito ng mga estudyante mula sa advisory class nya at syempre hindi ko na hinintay na sumabog pa sa galit si Mam kaya binitbit ko na ung sobrang taas na libro.
Sa sobrang taas ng pinagpatong patong na mga libro ay nalampasan na nito ang cute na height ko. Wala akong makita! Hanggang kailan ba ipagkakait sa akin ang hustisya? Akala ba ni Mam hindi mabigat to kaya sa akin niya ipinabuhat kaysa sa mga higanteng lalaki sa klase niya.
"Paki dala sa Science lab neng." sabi ni Mam, hindi ko manlang namalayan na nasa unahan ko lang pala siya. Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa sobrang bigat ng bitbit ko ngayon.
Ano bang gagawin niya?! Pag eexperimentuhan ang mga libro?!
Pasensya na kayo pero hindi ko talaga alam kung bakit ang lakas ang kapangyarihan niyang sirain ang araw ko at pakuluin ang dugo ko.
Naglalakad ako ngayon papunta sa lab. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta o kung tama ba ang direksyon na nilalakaran ko ngayon. Grabe talaga tong si Mam. Nako! Kung pwede lang irereport ko to sa DepEd, child abuse kaya tong ginagawa niya! Minor de edad pa naman ako. Hahaha so back to reality.
Medyo mabigat sya, ay hindi, mabigat talaga.. sobra!
Marami na siguro akong lalaking nadadaanan pero mukhang ni isa ay walang may balak na tulungan ako dito. Wala na ba talagang gentleman dito sa school namin para tulungan ang isang tulad ko?! Siguro kung famous at kilala din ako dito sa school baka hindi na magkandarapa ang mga lalaking to sa pagtulong sa akin pero hindi eh, isang ordinaryong estudyante lang ako. Pero kahit ganon, hindi man lang ba sila naaawa sa akin?
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa na parang papalapit sa direksyon ko. Maya maya pa...
BOOOOOOOOOMM!!
"Araay!"
"Ay sht sorry."
Patay! May bumangga sa akin! Dahilan para kumalat ang mga libro sa sahig.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]
Novela Juvenil❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagselosin siya. Ito lang naman ang tanging goal nina Bryle at Jessa nang simulan nila ang kanilang OPERATION: Make Her Jealous setup para kay Nat...